About: http://data.cimple.eu/claim-review/1c14a9bd28702c901a1c0139c978f03dbc41df99f1d7c4f57745c029     Goto   Sponge   Distinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: May $3 trilyong halaga ng ginto ang nakadeposito sa Union Bank of Switzerland na nakapangalan kina dating pangulong Ferdinand E. Marcos at dating US president Ronald Reagan. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Kumakalat ang naturang post ng sertipiko sa Facebook, kung saan ikinakalat ito sa mga Facebook groups na may 15,100 at 35,600 na miyembro. Isa sa mga posts ay kasalukuyang may 105 reactions at 24 shares. Ang original poster ay mayroon ding 4,100 followers. Ang katotohanan: Ang tinutukoy na deposito ng ginto at ang kasunduang nakapangalan kina Marcos at Reagan ay wala sa talaan ng Presidential Commission on Good Government, ang ahensiyang itinatag para mabawi ang nakaw na yaman ng mga Marcos. Base sa sertipiko, sinasabing 5,000 metric tons ng ginto na may halagang $3 trilyon ang nakalagak sa Union Bank of Switzerland. Sa isang artikulo ng Associated Press noon pang 1991, pinabulaanan mismo ng mga kinauukulan sa Switzerland ang pagdadala umano ni Marcos ng 320 toneladang ginto sa bansa. Ayon din sa talaan ng World Gold Council, kasalukuyang mayroong 1,040 metric tons ng gold reserves lamang ang Switzerland. Ayon sa sertipiko, $3 trilyon ang halaga ng gintong deposito. Sa artikulo ng New York Times noong 1986, $800 milyong Swiss deposits ang nakapangalan kina Marcos at sa asawa niyang si Imelda, hindi $3 trilyon. Noong 2009, naibalik sa Pilipinas ang $688 milyong Swiss deposits matapos hatulan ng Federal Supreme Court ng Switzerland ang mga Marcos assets bilang “ill-gotten” o nakaw na yaman. Kaduda-dudang impormasyon: Hindi nagtutugma ang impormasyong nakasaad sa sertipiko, na binabanggit ang “FINMA” at ang “ICC Publication No. 500/600.” Ang sertipiko ay may petsang Oktubre 25, 1982, ngunit ang FINMA – na maaaring tumutukoy sa Swiss Financial Market Supervisory Authority – ay itinatag noong 2009, halos tatlong dekada mula sa petsa ng sertipiko. Ang ICC Publication No. 500/600 ay tumutukoy sa Uniform Customs and Practice for Documentary Credits (UCP) na binuo ng International Chamber of Commerce (ICC). Ang kasalukuyang bersyon ay ang ICC Publication No. 600 o UCP 600, na inilathala noong 2007. Ito ay rebisyon ng UCP 500 na inilabas naman noong 1993. Rita Gadi: Kalakip sa posts ang link sa bidyo ng dating broadcaster na si Rita Gadi. Walang binanggit si Gadi tungkol sa depositong ginawa umano nina Marcos at Reagan. Ito ang kaparehong Rita Gadi na tinutukoy sa artikulo ng VERA Files na naiugnay sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa pamilyang Marcos. Noong 2021, inilabas ng FactRakers ang isang artikulo na pinabubulaanan ang pahayag ng dating peryodista na dismissed na raw ang mga kaso tungkol sa nakaw na yaman ng mga Marcos. May ilang fact-check na rin ang Rappler sa iba pang mga sabi-sabi ukol sa ginto ng mga Marcos: - HINDI TOTOO: Sertipiko ng gold bullion deposit ni Marcos sa Banco de Oro - FACT CHECK: Marcos Sr. Letter of Instruction prescribing distribution of gold does not exist - HINDI TOTOO: Binuksan ni Marcos ang mga Swiss bank account bago maging pangulo - Marcos family stored ill-gotten wealth in Switzerland – Kyle Marcelino/Rappler.com Kyle Marcelino is a graduate of Rappler’s fact-checking mentorship program. This fact check was reviewed by a member of Rappler’s research team and a senior editor. Learn more about Rappler’s fact-checking mentorship program here. Keep us aware of suspicious Facebook pages, groups, accounts, websites, articles, or photos in your network by contacting us at factcheck@rappler.com. Let us battle disinformation one Fact Check at a time. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software