About: http://data.cimple.eu/claim-review/a3b5d3ce690248ecc9cf7976eb0c35c4ebdb7914ca3874ca455f60bb     Goto   Sponge   Distinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Pinag-usapan umano ang last will and testament ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand E. Marcos sa Senate hearing nitong Enero 16, 2023. Ayon pa sa video, ipinakita ni Senador Raffy Tulfo ang kanyang suporta para sa last will ng dating pangulo at ngayon ay tinutupad na ito. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangan i-fact-check: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 9,392 views nang isulat ang fact check na ito. Ang totoong pinag-usapan: Walang binanggit sa pagdinig sa Senado noong Enero 16, 2023, na kahit na ano tungkol sa last will and testament ni Marcos. Ang naganap sa Senado ay ang pagdinig ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ukol sa mataas na presyo ng sibuyas. Walang nabanggit ang sinuman sa buong pagdinig na kahit na ano tungkol kay Marcos at sa kanyang last will and testament. Makikita rin sa Facebook page ng Senado ang mga buod ng mga sinabi nina Senador Cynthia Villar, Imee Marcos, Joseph Victor “JV” Ejercito, Grace Poe, Raffy Tulfo, Nancy Binay, at Aquilino “Koko” Pimentel. Walang binanggit na kahit na ano ang mga senador tungkol sa dating pangulong Marcos. Kahit ang anak nitong si Imee, nakatutok sa kinakaharap ng bayan ngayon – ang mataas at di makataong presyo ng sibuyas. Hindi ito ang unang beses na may nagpakalat ng ganitong kasinungalingan. Noong Enero 9, may na-fact-check ang Rappler na sabi-sabi na ganito rin ang laman. Tuwing dadalo na lang ba sina Imee Marcos at Tulfo sa mga pagdinig ng Senado ay may lilitaw na ganitong kasinungalingan? Oktubre 6, 1992, pa lang ay inilabas na ng Manila Standard ang last will and testament ng diktador na si Marcos. Kitang-kita naman dito na walang binanggit si Marcos na kahit na ano tungkol sa ibibigay umano para sa mga Pilipino. Imbis na magpakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa mga pagdinig ng Senado, bakit kaya hindi na lang pakinggan ang nilalaman ng mga pagdinig para matutukan ang totoong problemang kinakaharap ngayon ng bansa – ang gintong presyo ng sibuyas. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software