schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Ang sabi-sabi: Maaaring makapag-apply ang college undergraduate students para sa mga posisyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng isang link sa Facebook.
Marka: HINDI TOTOO
Bakit kailangang i-fact-check: Ang Facebook post na ini-upload noong Mayo 16 ay meron nang 281 reactions, 226 comments, at 56 shares.
Kalakip sa post ang isang blog link kung saan hihingin ang buong pangalan, email, numero, at iba pang personal na dokumento ng aplikante.
Ang katotohanan: Ayon na rin sa BIR, inilalathala sa official Bulletin of Vacant Positions ng Civil Service Commission ang mga bakanteng posisyon sa ahensiya. Makikita rin ang listahan sa opisyal na website ng BIR.
Karamihan din sa mga posisyon ay nangangailangan ng Bachelor’s degree o ilang taon sa kaugnay na trabaho, taliwas sa sabi-sabi ng Facebook post. Maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pag-email ng mga kinakailangang dokumento sa email address na tinukoy sa job vacancy post.
Hindi kailanman inendorso ng BIR o ng official social media pages nito sa Facebook at X (dating Twitter) ang naturang link, na gumagamit ng pangalan ng Professional Regulation Commission (PRC).
Dati na ring pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na huwag magbigay ng kahit anong personal na impormasyon sa mga pekeng website na ito na maaaring humantong sa isang phishing scam. (BASAHIN: Phishing 101: How to spot and avoid phishing)
ALSO ON RAPPLER
- Duterte’s drug war pushes prisons to a breaking point
- Philippines only starting to probe ‘silent tragedy’ of prison deaths
- Philippine heat has always been a problem – and it’s going to get worse
- One year before 2025 Philippine elections: Proxy wars, and where alliances stand
- Migz Zubiri, 24th Senate president
Babala laban sa pekeng pages: Matagal nang nagpapaalala ang mga ahensiyang tulad ng Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, at ang mismong PRC laban sa mga peke at kahina-hinalang job posting pages na gumagamit ng pangalan ng mga ahensiya upang mang-engganyo ng mga aplikante.
Ilang beses nang naglabas ang Rappler ng fact check ukol sa mga pekeng job application links na kumakalat sa social media:
- FACT CHECK: Post on job openings for high school graduates not from BFP
- FACT CHECK: Post on job vacancies not from official DSWD page
- FACT CHECK: Job recruitment posts not from PH Coast Guard
– Kyle Marcelino/Rappler.com
Si Kyle Marcelino ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|