About: http://data.cimple.eu/claim-review/011626223bda15302fa2fc77521631ae48d716c0232317d04b6dde4b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Walang klaripikasyon hanggang ngayon ang isyu ng pagkakasangkot ni Senador Risa Hontiveros sa mga umano’y anomalya sa PhilHealth noong siya ay miyembro ng board nito. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong nang 13,400 na view, 1,143 na like, 123 na komento, at 39 na share sa TikTok. Ang katotohanan: Napabulaanan na ng mga fact check ng Rappler at VERA Files ang pagkakasangkot ni Risa Hontiveros sa mga anomalya ng PhilHealth. Sa artikulong nailathala ng VERA Files noong 2018, pinabulaan ng dating corporate communication manager ng PhilHealth na si Rey Baleña na hindi kasama si Hontiveros sa mga sangkot sa unauthorized release ng mga bonus ng PhilHealth noong 2009, 2010, at 2014. Pinabulaanan naman ni Hontiveros noong 2020 ang mga sabi-sabing nag-uugnay sa kaniya sa nawawalang P15 bilyong pondong ninakaw sa PhilHealth noong 2019. Ang nasabing pagnanakaw ay nangyari noong 2019, apat na taon matapos bumaba si Hontiveros sa pagiging board member ng nasabing ahensiya noong Oktubre 2015 upang kumandidato sa pagkasenador noong 2016. Narito ang ilan pang fact check na nailathala ng Rappler tungkol sa kaugnay na mga sabi-sabi: - FALSE: Hontiveros ‘confirmed’ to have stolen P15 billion from PhilHealth - Misleading: COA ‘orders Hontiveros’ to return illegal PhilHealth bonuses - FALSE: PhilHealth’s problems started during Hontiveros’ term – Garin - Hontiveros never ordered to return over P100M of misused PhilHealth funds – Ailla dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software