About: http://data.cimple.eu/claim-review/07c8eddab4833ddfe36380f23fd4e31f0e0fc3854d18ac74c997c0a9     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinabi raw ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na walang malinaw na basehan upang idiskalipika si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. - Marka: KULANG SA KONTEKSTO - Ang katotohanan: Wala pang nakasampang kaso laban kay Marcos noong sinabi ni Jimenez ang pahayag. Nilinaw ni Jimenez ang kanyang sinabi matapos magsampa ng petisyon ang mga civic leaders upang pigilan si Marcos sa pagtakbo sa 2022 presidential election. - Bakit kailangan i-fact-check: Mabilis na ikinalat ng iba’t ibang Facebook users at pages ang sabi-sabing ito. Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 6,200 reaksiyon, 1,000 komento, at 843 shares ang post. Mga detalye Isang post noong Miyerkoles, Nobyembre 3, mula sa Facebook page na “Pres. Ferdinand Emmanuel E. Marcos” ang nagsasabing walang malinaw na basehan upang idiskalipika si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtakbo bilang presidente sa darating na eleksyon. Nakalagay sa post ang isang larawan ni Comelec Spokesperson James Jimenez at ang pahayag: “Under the law, a person must be convicted of a crime involving ‘moral turpitude,’ or for an offense where the penalty is at least 18 months in jail to be disqualified. He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification.” (Sa ilalim ng batas, ang isang tao ay dapat na nahatulan na nagkasala sa isang krimen na may kinalaman sa “moral turpitude” o sa isang pagkakasala na ang parusa ay 18 na buwan ng pagkabilanggo para ma-disqualify. Hindi siya pasok sa criteria. Sa kasalukuyan, walang malinaw na kaso para sa siya ay idiskalipika.) Mabilis na ikinalat ng iba’t-ibang Facebook users ang nasabing larawan sa Facebook matapos magsampa ng petisyon ang mga civic leaders ng isang disqualification case laban kay Marcos. Ipinadala sa email ng Rappler ang nasabing larawan para i-fact-check. Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 6,200 reaksyon, 1,000 komento, at 843 shares ang post. Sa isang press release noon ding Miyerkoles, iginiit ng kampo ni Marcos na, ayon sa Comelec, walang basehan ang kaso laban sa dating senador. Inilabas ng kampo ni Marcos ang parehong quote galing kay Jimenez: “He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification.” Kulang sa konteksto ang sabi-sabing ito. Nilinaw ni Jimenez sa isang tweet noong Miyerkoles na wala pang nakasampang kaso laban kay Marcos noong sinabi niya ang pahayag. Sa isang Viber message sa mga reporter noon ding Miyerkoles, sinabi rin ni Jimenez na ibinigay niya ang pahayag sa isang panayam sa One News PH noong Martes, Nobyembre 2, ilang oras bago ang pagsasampa ng petisyon ng mga civic leaders para madiskalipika si Marcos. “The quote was referring to why Marcos hadn’t yet been disqualified despite the fact of his conviction. The original quote should have been taken in the context of the fact that he ran for VP In 2016,” sabi ni Jimenez. (Ang pahayag ay tungkol sa kung bakit hindi nadiskalipika si Marcos sa kabila ng mga naging hatol sa kanya. Dapat na ilagay ito sa konteksto ng pagtakbo ni Marcos bilang bise presidente noong 2016.) Pinabulaanan din ni Jimenez at tinawag niyang “misleading” ang paggamit sa kaniyang pahayag ng kampo ni Marcos bilang sagot sa nasabing disqualification case. Matatandaan na nagsimula ang diskusyon tungkol sa isang disqualification case laban kay Marcos noong Oktubre 28 nang isulat ni dating Chief Justice Antonio Carpio ang isang kolum sa Inquirer na sinusuri ang posibilidad para sa isang disqualification case at mga ebidensya na maaaring gamitin para dito. Sinabi ni Carpio na lahat ng disqualification case na ihahain laban kay Marcos ay dadaan sa Comelec at Korte Suprema, na silang susuri kung ang sunud-sunod na kabiguan sa pagbabayad ng buwis ay maituturing bilang “moral turpitude.” – Lorenz Dantes Pasion/Rappler.com Si Lorenz Dantes Pasion ay isang Rappler Intern. Ang fact-check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Basahin ito para sa karagdagang detalye tungkol sa internship program ng Rappler. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software