About: http://data.cimple.eu/claim-review/0ebfb6403b0079e8ba458c4716c688e5efb1eda3f19a8c1a91a6269a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sa isang retrato na kumakalat sa social media, makikita na bahagi ang flyers, na may mukha ni Bise Presidente Leni Robredo at ng Makabayan bloc, sa mga nasamsam sa New People’s Army (NPA) matapos ang engkuwentro sa Malpalon, Occidental Mindoro noong Abril 25. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Sa opisyal na listahang inilabas ng 76th Infantry Victrix Battalion, hindi kasama ang umano’y Robredo flyers sa mga nasamsam mula sa kampo ng NPA sa Malpalon, Occidental Mindoro noong Abril 25. Wala ring ulat ang kahit anong news site ukol dito. - Bakit kailangang i-fact-check: Ilang pahina na sa Facebook ang nagpapakalat ng naturang kasinungalingan habang papalapit nang papalapit ang eleksiyon. Mga detalye Sa ilang retratong kumakalat sa Facebook, makikita ang mga nasamsam na kagamitan mula sa New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro sa Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro noong Abril 25. Kabilang umano sa mga kagamitan ang flyers nina Bise Presidente Leni Robredo at ng Makabayan bloc. Hindi totoong kabilang ang naturang flyers sa mga nasamsam mula sa NPA. Sa opisyal na listahan ng mga kagamitang nakuha sa NPA na inilabas ng 76th Infantry Victrix Battalion, hindi kabilang sa mga nasamsam sa nasabing engkuwentro ang kahit anong flyers na naglalaman ng mukha o pangalan ni Robredo at ng Makabayan bloc. Ang Victrix Battalion ay kabilang sa mga itinalaga sa pursuit operation na nagresulta sa engkuwentro. Ibinahagi rin ito sa Philippine Army Facebook page. Sa mga inilista nilang mga bagay na nabawi mula sa engkuwentro, walang kasamang flyers na may kinalaman kay Robredo. Sa ulat naman ng Philippine News Agency (PNA) ukol sa engkuwentro sa Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro, kabilang sa mga nasamsam na kagamitan ang M-16 rifle, M-16 Bushmaster rifle, magazines para sa M-16 rifle, improvised hand grenade, at iba’t ibang bala. Walang nabanggit na kahit ano ukol sa ipinapakalat na retrato ng flyers ni Robredo at ng Makabayan bloc. Hindi rin kasama sa ulat ng Inquirer at Manila Bulletin ang mga nasabing flyer. – Rochel Ellen Bernido, Ahikam Pasion/Rappler.com Si Ahikam Pasion ay isang awardee ng Aries Rufo Journalism Fellowship. Ang fact-check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software