schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Ang sabi-sabi: Hindi ibinalita ng media ang pagkakahuli ng P6.7-bilyong droga.
Sabi sa video: “Malaking balita na hindi man lang binalita ng mainstream media at ang kabilang kampo ng pink ay tahimik sa balitang ito. Ito ang P6-bilyong drugs na nahuli.”
“At ang mainstream media hindi man lang ibinabalita ito. Bakit kaya? Dahil ba ayaw nilang gumanda ang imahe ni Pangulong Bongbong? O sampal sa kanila ang magandang balita na ito?” dagdag pa sa video.
Marka: HINDI TOTOO
Bakit kailangang i-factcheck: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 4,500 na share, 12,000 na reaksiyon, at 1,700 na komento.
Ang katotohanan: Ibinalita ng 24 Oras ng GMA at TV Patrol ng ABS-CBN noong ika-9 ng Oktubre ang pagkakasamsam ng P6.7 bilyong drogang nahuli sa anti-drug operation na ginawa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Sabado.
Iba pang nagbalita: Inilathala rin sa mga online news site ang nasabing insidente. Kabilang sa mga news outlet na nagbalita nito ang Rappler, The Philippine Star, Manila Bulletin, ABS-CBN News, at GMA News Online.
Ang nahuli: Halos isang tonelada o 990 kg ng shabu na nagkakahalagang P6,732,693,600 ang nahuli kay drug suspect Rey Atadero sa ginawang operasyon sa 1742 Jose Abad Santos St., Brgy. 252, Tondo, Manila.
Pulis na sangkot: Kaugnay din ng nasabing insidente ang pagkakahuli kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, miyembro ng PNP Drug Enforcement Unit, na may humigit kumulang na 2 kg o tinatayang nagkakahalagang P13.6-milyong halaga ng shabu sa Quezon City Bridge, pasado alas-dos nang madaling araw noong ika-9 ng Oktubre.
Ang pagkakahuli kay Mayo ay kasunod ng pagkakadiskubre sa kaniyang ID sa warehouse kung saan nasamsam ang halos isang toneladang shabu. Napag-alaman ng pulisya na pagmamay-ari ni Mayo ang nasabing warehouse. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|