About: http://data.cimple.eu/claim-review/25e09ba3403b2bd2dde178d32ee1f0cc16279d8c6e23ee768b6a4bd9     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nabuo ang munisipalidad na General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan ng Cavite dahil kay dating pangulong Ferdinand Marcos. - Marka: KULANG SA KONTEKSTO - Ang katotohanan: Ang panukalang batas para sa pagbuo ng munisipalidad ng GMA isinulat ni dating senador Helena Benitez, isang Caviteña, at ni dating interior minister Jose Roño. Nilagdaan lamang ni Marcos ang proklamasyon na nagtatakda ng petsa ng plebisito kung nararapat bang magkaroon ng karagdagang munisipalidad sa Cavite. - Bakit kailangan i-fact-check: Umabot na sa 2,500 na reaksiyon, 603 komento, at 1,065 shares ang sabi-sabi mula sa naturang Facebook post nang isulat ang fact check na ito. Mga detalye Noong Pebrero 13, inilabas ng Facebook page na “Mukha Ni General Mariano Alvarez” ang isang post na nagsasabing ang munisipalidad ng General Mariano Alvarez o GMA sa lalawigan ng Cavite ay “pagmamay-ari at proyekto” ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang mga resettlement area sa Dasmariñas, Carmona, at GMA sa Cavite, at sa San Pedro, Laguna. Bilang patunay, inilagay sa caption ng post ang isang proklamasyon na umano’y nilagdaan ni Marcos kaugnay nito. May kalakip ang post na larawan ng isang lalaking may bitbit na karatula: “1969: KUNG WALA SI MARCOS, WALANG GMA, CAVITE.” Nang isulat ang fact check na ito, umani na ng 2,500 na reaksiyon, 603 komento, at 1,065 shares ang naturang Facebook post. Kulang sa konteksto ang sabi-sabing ito. Ang panukalang magkaroon ng karagdagang munisipalidad sa lalawigan ng Cavite ay nagmula kina dating senador Helena Benitez at dating interior minister Jose Roño. Isinulat nina Benitez at Roño ang panukalang Batas Pambansa Blg. 75 na lumikha ng General Mariano Alvarez. Samantala, ang proklamasyon naman na nilalaman ng Facebook post ay ang Proclamation No. 2033, s. 1980. Totoong si dating pangulong Marcos ang lumagda nito noong Nobyembre 11, 1980, ngunit ito ay para lamang sa pagtatakda ng plebisito kung saan magdedesisyon ang mga residente kung pinagtitibay nila ang pagbubuo ng bagong munisipalidad. Hindi isinasaad sa dokumento na si Marcos ang bumuo at nagmamay-ari ng GMA. – Angelo Justin Barraca/Rappler.com Si Angelo Justin Barraca ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 1 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software