About: http://data.cimple.eu/claim-review/2d06eee722e2e6e13cd52b6a44591eca0c33ca32e68fd1c8526fb0e0     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi maalala ni Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang paboritong libro. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nang tanungin siya ng Rappler kung ano ang paborito niyang libro, sumagot si Robredo ng To Kill a Mockingbird ni Harper Lee. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 200 shares, 467 komento, at 12,000 views ang Facebook post na nagpapalabas na hindi nabanggit ni Robredo ang pamagat ng libro, kahit na ang kaparehong Rappler video ang ginamit na “pruweba.” Mga detalye Nagpost ang Facebook page na “Silent Majority” ng pinutol na Rappler video kung saan tinanong si Bise Presidente Leni Robredo kung ano ang kaniyang paboritong libro. Panunuya ng caption ng post: “Idescribe na lang kasi d na maalala.” Hindi totoong nakalimutan ni Robredo ang titulo ng paborito niyang libro. Sinagot ni Robredo sa bidyo na ang kaniyang paboritong libro ay ang To Kill a Mockingbird ni Harper Lee. Mapapanood ang kaniyang sagot sa bidyo ng Rappler sa timestamp na 4:23. Ayon kay Robredo, una niyang nabasa ang librong ito noong siya ay nasa first year high school. Dahil sa libro, tumindi ang kaniyang kagustuhang maging public service lawyer. Bago pumasok sa politika si Robredo, naging abogado siya sa Public Attorney’s Office noong 1999. Nagsilbi rin siyang branch coordinator ng 13 na taon sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) – Bicol Chapter. – Renzo Arceta/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software