About: http://data.cimple.eu/claim-review/37d2e58d7646d013a8fe772a84a899ff56dba19f7c499c71691fe40f     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sa Pasig City Hall quadrangle gaganapin ang Pasig campaign rally ni Bise Presidente Leni Robredo. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ayon sa tagapagsalita ng kampo ni Robredo na si Barry Guttierez noong Marso 13, wala pang kumpirmadong venue para sa March 20 campaign rally ng Bise Presidente sa Pasig. (Nitong Marso 15 ng gabi, kinumpirma ng kampo ni Robredo sa Rappler na ang venue ng rally ay sa Emerald Avenue sa Ortigas Center.) - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 600 reaksiyon, 17 komento, at 280 shares ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Marso 12 na kumakalat sa Facebook ang nagsasabing sa Pasig City Hall quadrangle gaganapin ang campaign rally ni Bise Presidente Leni Robredo sa Pasig City. Nakalagay sa caption ng post ang linyang “Pasig ready na ba kayo? kaya niyo bang talunin ang Bacolod March 20 – Leni Robredo Grand rally.” Makikita sa post ang isang pubmat na may nakalagay na “Payanig sa Pasig.” Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 600 reaksiyon, 17 komento, at 280 shares ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ayon sa tagapagsalita ng kampo ni Robredo na si Barry Gutierrez noong Marso 13, hindi nagmula sa kanila ang pubmat na nag-aanunsiyo na sa Pasig City Hall quadrangle gaganapin ang campaign rally ng bise presidente. “That is not from the campaign…. There was no ‘initial campaign material’ that specified a venue – to my knowledge, it was clearly stated that the venue was TBA. Our Pasig volunteers, who are organizing the event, are currently coordinating wit the LGU to finalize the venue,” sabi ni Gutierrez sa ABS-CBN. (Hindi ito galing sa kampo namin. Walang “initial campaign material” na nagsasabi ng venue. Sa aking pagkakaalam, malinaw na ang venue ay i-aanunsiyo pa lamang. Ang aming mga volunteer sa Pasig na nagpaplano ng event ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa local government unit para ma-finalize ang venue.) Sinabi naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi niya pinayagan ang kampo ni Robredo na magdaos ng campaign rally sa Pasig City Hall quadrangle dahil hindi ito bukas para sa mga political rally ng kahit na sinong kandidato. “Not true. Pasig City Hall premises, including quadrangle, are NOT open for any political rally,” sabi ng alkalde. (Hindi totoo. Ang Pasig City Hall at mga katabing lugar nito, kasama ang quadrangle, ay hindi bukas para sa kahit na anong political rally.) Nitong Marso 15 ng gabi, kinumpirma ng kampo ni Robredo sa Rappler na ang venue ng rally ay sa Emerald Avenue sa Ortigas Center. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software