About: http://data.cimple.eu/claim-review/3af4c291349c0d96db576f8bcfd41a4a2bf3a4925f523d74e388aa53     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Kukunin na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang higit 1 bilyong metrikong toneladang ginto na iniwan ng kanyang ama sa isang bangko sa Indonesia. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangan i-fact-check: Ang naturang Facebook video na ini-upload noong Mayo 10 ay umani na ng 47,000 views, 3,000 reactions, at 279 shares mula sa isang page na may 79,000 followers. Habang panandalian lamang na ipinakita sa video ang isang sertipiko ng umano’y deposito ng ginto, ang pamagat ng video ay nagpapahiwatig na naglakbay si Marcos sa Indonesia upang kunin ang ginto ng pamilya. Ang katotohanan: Ayon sa pinakahuling tala ng World Gold Council noong Pebrero 2023, nasa 208,874 tonelada ng ginto pa lamang ang namimina sa buong mundo, kung saan humigit-kumulang dalawang-katlo ang namina mula noong 1950. Malayo ito sa sinasabing 1,161,336,676 toneladang gold bullion sa sertipikong ipinakita. Makikita rin sa aklat na inilabas ng International Monetary Fund (IMF) noong 1991 – isa sa mga organisasyong binanggit sa sertipiko – na humigit kumulang 100,000 toneladang ginto ang kabuuang yamang namina sa pagtatapos ng 1989, kaparehong taon kung kailan pumanaw ang dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 2,814.1 metrikong toneladang ginto pa lamang ang hawak ng IMF. Mga kaduda-dudang detalye: Hindi tugma ang pirmang makikita sa logo at pangalan ng bangko sentral ng Indonesia sa pirma ni Arifin Siregar, ang alkalde ng bangko mula 1983 hanggang 1988. Ilang beses nang pinasinungalingan ng Rappler ang mga sabi-sabing may katumbas na presyo sa ginto ang “Ang Bagong Lipunan” currency series. Nakasaad sa talaan ng BSP na inilabas at ipinakalat mula 1973 hanggang 1993 ang ABL series, higit dalawang dekada matapos talikuran ng bansa ang gold standard at gumamit ng fiat currency, ayon na rin sa pag-aaral ng Johns Hopkins University. Recycled: Dati nang naglabas ng fact check ang Rappler ukol sa kaparehong sertipikong pinakita sa video. Makikitang dinagdag ang logo at pangalan ng Bank Indonesia sa naturang sertipiko. Ang paglabas ng video ay kasabay ng biyahe ni Marcos papuntang Indonesia para sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit noong Mayo 10. May ilang fact-check na ring inilabas ang Rappler sa iba pang mga sabi-sabi ukol sa ginto ng mga Marcos: - HINDI TOTOO: May gold deposit certificate sina dating pangulong Marcos at Reagan sa Switzerland - HINDI TOTOO: Sertipiko ng gold bullion deposit ni Marcos sa Banco de Oro - FACT CHECK: Marcos Sr. Letter of Instruction prescribing distribution of gold does not exist – Kyle Marcelino/Rappler.com Kyle Marcelino is a graduate of Rappler’s fact-checking mentorship program. This fact check was reviewed by a member of Rappler’s research team and a senior editor. Learn more about Rappler’s fact-checking mentorship program here. Keep us aware of suspicious Facebook pages, groups, accounts, websites, articles, or photos in your network by contacting us at factcheck@rappler.com. Let us battle disinformation one Fact Check at a time. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software