About: http://data.cimple.eu/claim-review/473c38005b12ba6eb553b7261496dd13ebbe667e096acfb3b14e29b3     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Lumala ang korupsiyon sa gobyerno dahil pinoprotektahan ng 1987 Konstitusyon ang mga opisyal na gumagawa nito. - Marka: HINDI TOTOO Ang katotohanan: Walang nakasaad sa 1987 Konstitusyon na nagpoprotekta sa mga kurakot na opisyal at kawani ng gobyerno. May mga batas na naglilista ng kaparusahan sa pangungurakot. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, nakakuha na ng mahigit 19 views at 2,000 likes ang video na ipinaskil sa YouTube. Mga detalye Sa video na ipinaskil si Sangkay Janjan sa kanyang YouTube channel noong Enero 25, 2021, ikinumpara nito ang korupsiyon noong panahon ni Ferdinand E. Marcos at ang korupsyon na nangyayari sa gobyerno sa ilalim ni Rodrigo Duterte. Ayon sa kanya, wala o kakaunti lamang a rekord ng korupsiyon noong panahon ni Marcos kompara sa mga sumunod na pangulo. Lumala rin daw ang korupsiyon sa gobyerno dahil mismong ang 1987 Konstitusyon ang pumoprotekta sa mga opisyal ng gobyerno kaya hindi sila natatakot gumawa ng korapsyon. Hindi ito totoo. Walang nakasaad sa 1987 onstitusyon 1987 na nagpoprotekta sa mga kurakot na opisyal o kawani ng gobyerno. Ayon sa Artikulo XI, Seksyon 1, ng Konstitusyon: “Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan.” Nakasaad naman sa Revised Penal Code, Artikulo 210, ang mga probisyon sa mga opisyal ng gobyerno na mahuhuli at mapapatunayan na nangungurakot sa mga opisina ng gobyerno. Nakapaloob naman sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinakailangang magsumite ang mga opisyal ng gobyerno ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN pagkatapos ng unang 30 araw ng kanilang pagkatalaga, at tuwing bago sumapit ang Abril 30 bawat taon. Ilan sa mga parusang ipapataw sa opisyal na mapapatunayang sangkot sa korupsiyon ay ang pagkakakulong nang hindi bababa sa isang taon at hindi lalampas sa 10 taon ang . Sisibakin din siya sa puwesto at hindi makatatanggap ng anumang benepisyo. Ayon din sa 1987 Konstitusyon, ang presidente, bise presidente, mga kahistrado ng Korte Suprema, mga kagawad ng mga komisyong konstitusyonal, at ang Ombudsman na masasangkot sa anumang korupsiyon ay maaaring alisin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment. Ilan sa mga na-impeach na ay sina dating pangulong Joseph Estrada at dating chief justice Renato Corona. – Erick Prynze Sazon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software