About: http://data.cimple.eu/claim-review/564136e5af40c18ade223919eb2b612f966e0e7d59bec8a15675342b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Kinausap ng mga dilawan ang komedyanteng si John Oliver para talakayin niya ang eleksiyon ng Filipinas sa kanyang show na Last Week Tonight with John Oliver. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang ibinigay na ebidensiya ang lalaki sa buong video na makapagpapatunay sa kanyang sinabi. Makikita sa episode ng satire news program na Last Week Tonight with John Oliver na tumalakay sa eleksiyon ng Filipinas na gumamit si Oliver ng mga materyal mula sa mga lehitimong international at local media source para sa kanyang programa. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 3,500 reaksiyon, 507 komento, 42,000 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang post noong Mayo 23 ng YouTube user “JIL Review TV” ang nagsasabing kinausap ng mga dilawan ang komedyanteng si John Oliver para talakayin niya ang eleksiyon ng Filipinas sa kanyang show na Last Week Tonight with John Oliver sa HBO. Ang video ay may pamagat na “Huli Ka! Video Ng Paninira Kay Bbm At Prrd Ginawa Ng British Comedian Tv Host | Leni Nagsumbong!” Nakapatong din sa ilalim ng video ang tekstong, “HBO TV Host sa US Sinisiraan si BBM.” Sinabi ng lalaki sa 26:09 timestamp ng video, “Alam na alam ko kinontact ito ng mga yellowtards si John Oliver mga kababayan.” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 3,500 reaksiyon, 507 komento, 42,000 views ang post sa YouTube. Hindi totoong kinausap ng mga dilawan si John Oliver. Walang ibinigay na kahit anong ebidensiya ang lalaki sa buong video na makapagpapatunay sa kanyang sinabi. Makikita sa partikular na episode ng Last Week Tonight with John Oliver na mga lehitimong international media sources gaya ng Euronews, DW News Asia, BloombergBusinessweek, at government agencies gaya ng US State Department ang pinagkunan niya ng mga materyal sa kanyang programa. Gumamit din ang programa ni Oliver ng mga materyal mula sa mga lehitimong media outlets ng Filipinas gaya ng CNN, ABS-CBN, Rappler, at state media tulad ng PTV. Ang show ni Oliver na Last Week Tonight with John Oliver ay isang satire news program kung saan tinatalakay niya ang mga malalaki at kontrobersiyal na isyu at balita mula sa iba’t-ibang bansa. Ilang beses nang naging paksa ni Oliver sa kanyang programa si Duterte at ang kanyang administrasyon simula nang mahalal ito noong 2016. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software