About: http://data.cimple.eu/claim-review/5fca9b10bf5e2ff3d422e061dd4883a9509a5eaa4ee638ab4e6ffcde     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Walang balitang inilabas ang media tungkol sa bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: May mga balitang inilabas ang media noong Mayo 2022 tungkol sa inagurasyon ng nasabing ospital. - Bakit kailangang i-fact-check: Ang sabi-sabi na ito ay makikita sa isang post noong Hunyo 9 sa Facebook page na “Daily Duterte.” Nang isinulat ang fact-check na ito, mayroon nang 14,000 na nagbigay ng reaksiyon, 1,000 na nagkomento, at 3,200 na nagbahagi ng nasabing kasinungalingan. Mga detalye Sa isang post noong Hunyo 9 sa Facebook page na “Daily Duterte,” sinabi na walang balitang inilabas ang media tungkol sa bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Ayon sa naturang post, “Batid ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kayat (sic) walang news report, pinagawa niyang gusali ay makabago at maraming silid upang makayanan ang dami ng nanganganak.” Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mga 14,000 na reaksiyon, 1,000 na komento, at 3,200 na share ang post. Hindi totoo na walang balitang inilabas ang media tungkol sa bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Ibinalita ang inagurasyon ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, na naganap noong Mayo 4, sa website ng mga mainstream media outlet na ABS-CBN News at GMA News noong Mayo 4, Philstar.com noong Mayo 5, at The Manila Times at Daily Tribune noong Mayo 6. May mga balita rin mula sa mga website ng mga government media outlet tungkol sa inagurasyon ng nasabing ospital: Philippine News Agency at Presidential Communications Operations Office. Noon pang 2017, iniulat na ng Rappler ang pahina sa Facebook na “Daily Duterte” bilang tagapagpakalat ng disimpormasyon at propaganda. (BASAHIN: Blogger-propagandists, the new crisis managers). – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software