About: http://data.cimple.eu/claim-review/6fe24a5e597e7f338a586eba25015032f3140b1aca2fe10f9c40dcb8     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nagbayad si Bise Presidente Leni Robredo ng P800 milyon para ilipat sa kanya ang suporta ni Partido Reporma president Pantaleon Alvarez. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nilinaw ng kampo ni Robredo na wala silang P800 milyon na maibabayad sa kahit kanino. Ayon kay Alvarez, humingi siya ng P800 milyon mula kay dating Reporma presidential candidate Panfilo Lacson para sa poll watchers. Hindi ito hiningi sa kampo Robredo ngayong inilipat nila ang suporta rito. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 13,000 na reaksiyon, 3,300 na komento, at 795 shares ang post sa Facebook. Mga detalye Nag-post ang Facebook page na “CagayanKnows” ng drawing kung saan ang kapigura ni Bise Presidente Leni Robredo ay tumatawad ng P800 milyon para kay Pantaleon Alvarez. Ang caption: “May nanalo na kay Bebot! Daming pera ni Aling Lenlen ah? Akalain mong nagbayad ng 800 Million Pesos sa isang lumang basahan o trapo?” (Bebot ang palayaw ni Alvarez, at Lenlen naman ang mapagkutyang bansag kay Robredo ng kapatid ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. na si Senator Imee.) Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Nilinaw ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry” Gutierrez na wala silang P800 milyon na mabibigay sa kahit kanino. Igniit niya, “Our campaign thrives on initiative and volunteerism, and we certainly do not have P800 million pesos to give away to anyone.” (Ang aming kampaniya ay tumatakbo sa inisyatiba at pagkukusa [ng mga tagasuporta], at wala kaming P800 milyon na maibibigay sa kahit kanino.) Ayon kay Alvarez, nangangailangan sila ng P800 milyon para sa mga poll watchers sa darating na halalan, at hiningi nila iyon sa dating Reporma presidential candidate Panfilo Lacson. Nilinaw ni Alvarez, congressman ng Davao del Norte, na ngayong inilipat nila ang suporta ay hindi sa kampo ni Robredo manggagaling ang nasabing pondo. Nagsimula ang mga alegasyong ito noong magbitiw si Lacson sa Partido Reporma noong Marso 25. 2022. Ayon kay Lacson hindi lamang ang resulta ng mga survey ang rason kung bakit sumuporta si Alvarez kay Robredo – pinakamataas ang rating ni Robredo kompara sa iba pang kalaban ni Marcos Jr. Ayon kay Lacson, hindi rin niya matugunan ang hiling ni Alvarez para sa pondo ng mga poll watchers. Sa ilalim ng Omnibus Election Code ang isang presidential candidate ay maaaring gumasta ng katumbas P10 sa bawat rehistradong botante, samantalang ang isang partido naman ay P5 kada botante. Dahil 67 milyon na rehistrado para sa 2022 elections, ang inaasahang pondo mula kay Lacson ay mahigit P1 bilyon. – Renzo Arceta/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software