About: http://data.cimple.eu/claim-review/70db9460d19f381a7d6e44ee7e218edd01e32504f022fb1a2280a1e7     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Isang indibiduwal na ipinangak noong 1999 at nagngangalan umanong “Miss Erika Lakandula” ang nagpakilala bilang biktima ng Martial Law sa isang panayam sa midya. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang nagngangalang “Erika Mae Lakandula” na lumapit sa midya. Ang ginamit na retrato sa malisyosong post ay kuha kay Sarah Elago, kinatawan ng Kabataan party-list group at kilalang target ng red-tagging. - Bakit kailangang i-fact-check: Kapansin-pansin ang pagdagsa ng kinopyang post sa Facebook taglay ang kasinungalingang ito. Umani na rin ng libo-libong reaksiyon ang malisyong mga paskil. Mga detalye Ilang magkakahawig na post ang ipinakakalat ng magkakasunod na pahina sa Facebook simula Mayo 19. Nakasaad sa mga ito ang pahayag ng isang “Erika Mae Lakandula,” na umano’y ipinanganak noong 1999 at nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, bilang “biktima ng Martial Law.” Ayon sa naturang post, “Nagpalabas ng press interview si Miss Erika Lakandula dahil sa pagkadismaya sa resulta, giit ni Erika, walang awa ang mga bumoto kay Bongbong.” “Nakabasa lang ng libro feeling biktima ng Martial Law,” dagdag pa ng awtor. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Walang nangangalang “Erika Mae Lakandula” na lumapit sa midya, at hindi rin totoo ang nabanggit na pahayag ng gawa-gawang karakter sa post. Ang retrato sa post kung saan makikita ang pigura ng isang babaeng naka-asul na polo shirt at mistulang nagsasalita sa isang kumperensiya ay hindi si Lakandula. Ang orihinal na retrato ay kuha ni Joviland Rita, reporter ng GMA News Online, sa kinatawan ng Kabataan party-list group na si Sarah Elago noong 2019. Sa panahong kinuhanan ito, matatandaang nagbigay ng pahayag si Elago na hindi disiplina at nasyonalismo ang ituturo ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) kung hindi “blind obedience.” – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software