About: http://data.cimple.eu/claim-review/7e8eb7083bd8a8ffd4c6c46a1955683778cfef43c9f6cfd45ab4c31b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Pasalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang Switzerland trip ang umano’y Marcos account na nakatago roon na nagkakahalagang $300,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000. Nakalagay sa thumbnail ng video na pinamagatang “KAKAPASOK LANG GOODNEWS! HETO na ang PASALUBONG ni PRES MARCOS GALING SWITZERLAND FPRRD SUMALUDO!” ang tekstong “WOW! SWISS ACCOUNT NI PBBM NAKUHA NA!” Ipinakita rin sa gitna ng video ang isang dokumentong patunay ng pagkakaroon ng $300,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000 sa “siyam na World Bank at pitong International Monetary Fund.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapalaganap ng mga sabi-sabi hinggil sa mga umano’y nakalululang ginto at yaman ng mga Marcos. Ang katotohanan: Kaduda-duda ang katotohanan ng dokumentong ipinakita sa video. Ang nasabing dokumento ay pinirmahan noong Oktubre 4, 1976. Pinirmahan umano ito ni Preston Martin na sinasabing Vice Chairman ng US Federal Reserve. Marso 1982 nang simulang maupo si Martin bilang vice chairman ng nasabing institusyon. Si Stephen Gardner ang nakaupong vice chairman nito sa sinasabing petsa kung kailan pinirmahan ang dokumento. Ang naiuwi mula sa Switzerland: Tanging ang mga pangako ng mga bagong investments at suporta mula sa iba’t ibang mga negosyante at pinuno ng bansa – kabilang ang mga payo hinggil sa Maharlika Wealth Fund – ang naiuwi ng Pangulo mula sa kanyang trip sa Davos, Switzerland nitong Enero. Sa kanyang arrival speech sinabi niya: “The business meetings held promise new investments in many of our economic sectors including mining and processing, digital solutions, logistics, telecommunications, and renewable fuel, amongst others, and will enable our companies to participate deeper in global value chains.” Walang binanggit na eksaktong halaga ng investment pledge si Marcos ngayon, kaiba sa kanyang mga nagdaang mga biyahe. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software