About: http://data.cimple.eu/claim-review/96925818d289b90eef770c1d5886e1677816c523477474a46e243da4     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Isa sa pinakamayayamang bansa ang Pilipinas noong diktadura ni Ferdinand E. Marcos. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Batay sa pinagkomparang gross domestic product ng mga bansa mula 1965 hanggang 1986, hindi umabot ang Pilipinas sa antas na isa sa pinakamayayamang bansa sa Asya, at lalo na sa buong mundo. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 109,000 na reaksiyon, 2,100 na komento, at isang milyon na views ang video na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook. Mga detalye Mula Mayo 8, kumakalat ang isang TikTok video sa Facebook na nagsasabing ang Pilipinas ay isa sa pinakamayayamang bansa noong diktadura ni Ferdinand E. Marcos. Ang video ay binubuo ng mga retrato ni Marcos habang may pahayag na, “Kung ninakaw ko ang pera ng mamamayan bakit Pilipinas ang isa sa pinakamayamang bansa noong panahon ng aking panunungkulan?” Hindi totoo ang pahayag na ito. Batay sa pinagkomparang gross domestic product (GDP) ng mga bansa mula 1965 hanggang 1986, hindi umabot ang Pilipinas sa antas na isa sa pinakamayayamang bansa sa Asya, at lalo na sa buong mundo. Ang GDP ay isa sa mga ginagamit na panukat ng yaman at pag-unlad ng mga bansa dahil batay ito sa kabuuang halaga ng mga serbisyo at produktong nagagawa ng isang bansa. Pagkaupo ni Marcos noong 1965, ika-25 ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa ayon sa laki ng GDP, ayon sa datos ng World Bank. Noong pinatalsik ang pamilyang Marcos sa taong 1986, bumaba ang Pilipinas sa ika-39 sa 156 na bansa. Kung titingnan din ang pagsukat ayon sa GDP per capita, hindi rin pumapantay sa mga nauunang bansa ang Pilipinas. Sinusukat ng GDP per capita ang kinikita ng bawat mamamayan ng isang bansa at sinusuri o ikinokompara ito sa kabuuang GDP upang makita kung talagang umuunlad ang bansa. Ayon sa ranggo ng GDP per capita noong 1965, umabot lamang sa ika-73 ang Pilipinas, at noong napatalsik ang mga Marcos noong 1986 ay bumaba ito sa ika-117. (BASAHIN: Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data) Kapag may mababang GDP per capita ang bansa, nangangahulugang hindi natutugunan nang sapat ang pangangailangan ng mga mamamayan ng bansa. Napatunayan din sa Korte Suprema at sa mga korte sa ibang bansa ang korupsiyon at pandarambong ng pamilyang Marcos. Ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay binuo upang bawiin ang kanilang mga nakaw na yaman. P174.2 bilyon na ang nabawi mula sa kanila, samantalang may P125 bilyon pang nasa paglilitis. (BASAHIN: BREAKDOWN: P174B recovered from Marcos loot, P125B more to get) Nagawan din ng fact check ng Rappler ang sabi-sabi na ang Pilipinas ay ang pinakamayamang bansa sa Asya at pangalawa lang sa Japan noong diktadura ni Marcos. Hindi rin totoo ang mga sabi-sabing ito. Basahin ang ilang mga fact check na nagawa ng Rappler tungkol sa korupsiyon ng mga Marcos: - HINDI TOTOO: Walang nabawi ang Pilipinas mula sa nakaw na yaman ng mga Marcos - HINDI TOTOO: Walang scam sa coco levy trust fund noong panahon ni Marcos - FALSE: ‘No proof’ that Marcos couple stole billions from Filipinos - FALSE: Marcoses were not convicted of any charges Maaaring basahin ang mga ibang fact check tungkol sa pamilyang Marcos dito. – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software