About: http://data.cimple.eu/claim-review/9e885c9347a494a3e06a112e5511c911281c492d55f0ad3b4316ab89     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Ilegal ang pagtupi at pag-staple ng polymer na P1,000 salapi. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ngayong kapaskuhan, kali-kaliwa ang bigayan ng regalong salapi, lalo na ng P1,000. Ang post na kagaya nito ay nagdudulot ng kalituhan at pagkatakot sa paggamit ng nasabing peso bill. Ang katotohanan: Hulyo 2022 nag-umpisang kumalat ang mga post hinggil sa multang P20,000 kung itutupi ang nasabing salapi. Ginawang basehan ng mga post na nagbababala tungkol sa multa ang Presidential Decree 247 na nagpaparusa sa pagsira sa mga salapi. 1973 pa ang batas na ito. Sa nasabing decree, ang tanging nakasaad na maparurusahanan ay ang sadyang pagsira, pagputol, pagpunit, at pagsunog ng mga salapi at barya. Kasunod ng pagkalat ng mga babala ay nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Hulyo na tatanggapin pa rin sa mga transaksiyon at maaari pa ring magamit ang mga naitupi o na-staple na P1,000 salapi. Dagdag pa ng bangko, hindi ilegal ang transaksiyon gamit ang mga naitupi o na-staple na pera. Sa opisyal na guidelines na inilabas ng BSP, walang multang itinakda para sa pagtupi at pag-staple nito. Ngunit pinaalalahanan ng bangko ang publiko na ito ay hindi dapat tupuin o lukutin nang sobra, iyong mag-iiwan ng mga permanenteng marka. Kabilang din sa mga hindi dapat gawin sa P1,000 ay ang: - Sulatan - Punitin o butasan - I-staple o gamitan ng rubber band upang pagsama-samahin - Sirain ang mga clear window, metallic feature, at iba pang security feature ng salapi - Plantsahin - Ilapit sa apoy at sa mataas na temperatura - Ilapit sa mga nakakatunaw na kemikal gaya ng muriatic acid o bleach – Ailla dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software