About: http://data.cimple.eu/claim-review/add23bf1a905517edb0cc0819970684af915aa895c803cf775162774     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Senyal ng balak na pandaraya sa paparating na eleksiyon ang isang retrato nina Bise Presidente Leni Robredo at Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Kuha ang retrato sa Comelec Presidential Debates noong Abril 3, 2022. Makikita sa larawan ang iba pang mga kandidato sa pagkapangulo na dumalo sa debate. - Bakit kailangang i-fact-check: Mabilis kumalat ang haka-hakang ito. Walong oras pa lamang pagka-upload nito ay nakakuha na agad ito ng 15,000 shares, 10,000 na komento, at 27,000 na reaksiyon. Mga detalye Ayon sa isang video na pinost ng Facebook page na “Palerista PROJ.,” ang isang larawan na inupload ni Aika Robredo sa kanyang Twitter na may caption na “Focus tayo” ay senyal na may planong mandaya si Bise Presidente Leni Robredo sa darating na eleksiyon. Sinabi sa video na dahil nasa retrato si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez ay marahil magkakaroon ng pandaraya sa eleksiyon. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Kuha ang retratong ito noong Comelec Presidential Debate na naganap noong Abril 3, 2022. Ayon sa Manila Bulletin, kinuha ito noong pre-debate briefing. Sa kaliwang bahagi ng larawan ay makikita ang iba pang tumatakbo para sa pagkapangulo na sina Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., at Leody de Guzman. Kung titingnan naman ang isa pang retrato mula sa kabilang anggulo ay makikita naman sina Isko Moreno Domagoso at Panfilo Lacson. Sa kuha naman na ito mula sa ibang anggulo ay makikita ang mga kandidato na sina Norberto Gonzales, Ernesto Abella, at Manny Pacquiao. Sa 10 kandidato para sa pagkapangulo, siyam ang dumalo sa debate noong Abril 3. Si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kandidatong pinakamadalas lumiban sa mga debate, ay hindi dumalo noong gabing ito. – Renzo Arceta/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software