schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Ang sabi-sabi: Maaaring makapag-apply sa 19,000 bakanteng posisyon sa Philippine Navy sa pamamagitan ng link na kalakip sa isang TikTok post.
Marka: HINDI TOTOO
Bakit kailangang i-fact-check: Ang TikTok post na ini-upload noong Nobyembre 9 ay mayroon nang 2.1 million views, 29,000 likes, at 8,964 shares. Nagmula ito sa isang account na may 17,100 followers.
Kalakip sa TikTok post ang isang Blogpost link kung saan hihingin ang buong pangalan, email, numero, at iba pang personal na dokumento ng aplikante.
Ang katotohanan: Sa isang Facebook post noong Nobyembre 13, nagbabala ang Philippine Navy Personnel Management Center laban sa mga pekeng application link para sa alinmang posisyon sa ahensya. Nilinaw din ng ahensya na walang 19,000 na bakanteng posisyon na nangangailangang punan nang madalian para sa 2025.
Dagdag nito, sa 2025 pa muling magpapatuloy ang mobile recruitment program ng Philippine Navy.
Patuloy na nagpapaalala ang Navy sa publiko na magtiwala lamang sa mga balita ukol sa mobile recruitment at online application ng ahensya mula sa mga opisyal na channels nito.
Babala sa publiko: Ang link na kalakip ng TikTok post ay hindi opisyal na website ng Philippine Navy. Ang pagbibigay ng anumang personal na impormasyon sa mga website na ito ay maaaring humantong sa isang phishing scam. (BASAHIN: Phishing 101: How to spot and avoid phishing)
Ilang beses nang nag-abiso ang Philippine Navy laban sa mga social media pages at accounts na nagpapakalat ng mga link para umano makapag-rehistro sa recruitment program ng ahensya.
Naglabas na rin ang Rappler ng mga fact-check ukol sa mga kahina-hinalang recruitment links para sa Philippine Navy at iba pang mga ahensya ng gobyerno:
- FACT CHECK: Personnel recruitment ads posted by unauthorized page – PH Coast Guard
- FACT CHECK: Facebook post contains fake links for PH Army application
- FACT CHECK: Job recruitment posts not from PH Coast Guard
– Kyle Marcelino/Rappler.com
Si Kyle Marcelino ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|