About: http://data.cimple.eu/claim-review/b4b60a0fd6502ad55897fe64101751bfb878303e1fbedeb5433907ce     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order 49 s. 2022, mang-u-unfriend na at hindi na mag-re-reply ang mga guro sa kanilang mga estudyante. Ito ang nakalagay sa teksto sa video: “I usually communicate with my students for me to answer their questions about our lessons. I also answer some personal questions to guide them as their second parent. But right now I have to stop replying to their messages. DEPED ORDER #49 S.2022.” (Madalas akong makipag-usap sa aking mga estudyante upang sagutin ang kanilang mga tanong tungkol sa aming mga aralin. Madalas ko rin sagutin ang mga personal na tanong upang gabayan sila bilang pangalawang magulang. Ngunit kailangan ko nang tumigil sa pagrereply sa kanilang mga mensahe.) Nakalagay din sa caption sa video: “Madami dami akong iuunfriend #publicteachers #depedmemorandum #depedorder49s2022 #depedteacher.” Marka: KULANG SA KONTEKSTO Bakit kailangan i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang TikTok na may sabi-sabing ito ay may humigit-kumulang 338,200 na mga view at 20,300 na mga heart. Ang katotohanan: Ayon sa DepEd Order 49 s. 2022, inaasahan ang mga opisyal at empleyado ng DepEd, pati na ang mga guro, na umiwas sa relasyon, interaksiyon, at komunikasyon, kasama na ang pakikipag-follow sa social media ng mga estudyante sa labas ng paaralan – maliban na lamang kung sila ay magkakamag-anak. Alinsunod ito sa professionalism standard na nais isulong sa kagawaran. Sa isang press conference noong Nobyembre 7, binigyang diin ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang pakikipag-usap sa social media ng mga guro at estudyanteng may kinalaman sa aralin ay hindi ipinagbabawal dahil hindi naman ito “outside the school setting” na kondisyong nakapaloob sa department order. Sa kaparehong press conference, nilinaw din na wala pang direktibang mag-unfriend o mag-unfollow ang mga guro sa kanilang mga estudyante. “Discouraged” lang ang ugnayan sa social media para hindi maging “very personal” ang relasyon ng mga guro at estudyante bilang proteksiyon sa mga kaso ng sexual abuse. Ayon naman sa Republic Act 6713 na sinunod ng nasabing DepEd Order, ang mga lingkod ng gobyerno tulad ng mga guro na lumabag sa professionalism standard ay maaaring mamultahan ng hanggang anim na buwang halaga ng suweldo, suspensiyon na hindi hihigit sa isang taon, o pagkatanggal sa trabaho, ayon sa resulta ng patas na pagsusuri. – Micah Gonzales/Rappler.com Si Micah Gonzales ay isang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software