About: http://data.cimple.eu/claim-review/be54c94dea43b5cd16b518b1999fbd13eddec6ec2b3162c512494a95     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Inilampaso ni Robin Padilla ang mga news anchor ng GMA na sina Mel Tiangco, Jessica Soho, at Vicky Morales sa isang interbiyu. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang interbiyu ni Padilla na ipinakita sa video ay mula sa isang townhall ng Cooperative Development Authority noong Enero 2022. Hindi kasama ang mga nabanggit na GMA news anchor sa nasabing townhall. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 15,000 reaksiyon, 2,084 komento, 482,584 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang video noong Mayo 15 ng YouTube channel “Showbiz Fanaticz” ang nagsasabing ipinahiya ni senator-elect Robin Padilla ang mga news anchor ng GMA na sina Mel Tiangco, Jessica Soho, at Vicky Morales sa isang interbiyu. Ang video ay may pamagat na, “Mel, Vicky, Jessica Nilamon Ng Kahihiyan Matapos Ilampaso Ni Robin Sainterview| Boy Abunda Bumilib!!” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 15,000 reaksiyon, 2,084 komento, 482,584 views ang post sa YouTube. Hindi totoo na ipinahiya ang mga GMA news anchor sa nasabing interbiyu. Ang interbiyu ni Padilla na ipinakita sa video ng Showbiz Fanaticz ay mula sa isang townhall ng Cooperative Development Authority (CDA) noong Enero 2022. Noong Pebrero 2022, nag-post din ang opisyal na Facebook page ng senator-elect ng video clip ng kaniyang sagot sa nasabing pagtitipon. Kasama ni Padilla sa nasabing townhall ang dating secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Mark Villar at si Senador Win Gatchalian. Hindi kasama sa nasabing meeting ng CDA ang mga news anchor ng GMA na binanggit sa video ng sabi-sabi. Nanalo sina Padilla, Villar, at Gatchalian sa eleksiyon ngayong 2022. Nanguna si Padilla sa karera para sa pagkasenador, kung saan nakakuha siya ng 26,612,434 na boto. Pang-apat sa may pinakamaraming boto para sa pagkasenador si Gatchalian, na nakakuha ng 20,602,655 na boto, habang pang-anim na may pinakamaraming boto si Villar na may 19,475,692 na boto. Ang tatlo ay prinoklama ng Commission on Elections kasama ang iba pang nanalo sa pagkasenador sa Philippine International Convention Center noong Mayo 18. Na-fact-check na ng Rappler nang mahigit 40 na beses ang YouTube channel na “Showbiz Fanaticz.” Basahin ang iba pang fact check ng Rappler tungkol sa mga kasinungalingan ng nasabing YouTube channel: - HINDI TOTOO: GMA nawalan ng P28M nang tumanggi si Marcos Jr. sa Soho interview - HINDI TOTOO: Na-hack ang Comelec database na may pribadong impormasyon ng mga botante - HINDI TOTOO: Opisyal nang aatras si Manny Pacquiao sa eleksiyon 2022 – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software