About: http://data.cimple.eu/claim-review/c2069b40026971cbf249f5636a5662e2954bd320deea94062ca53e10     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Si Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia umano ang ipinakita sa isang video clip mula sa Interface Meeting ng mga pinuno ng mga bansang miyembro ng ASEAN kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) noong Nobyembre 10, 2022. Sinabi rin sa pamagat ng video na hinangaan umano ng hari ng Cambodia si President Ferdinand Marcos Jr. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangan i-fact-check: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 808 likes at 17,000 views nang isulat itong fact check. Ang katotohanan: Hindi ang hari ng Cambodia na si Norodom Sihamoni ang ipinakita sa video na naglalaman ng sabi-sabi kundi si Cambodian Prime Minister Hun Sen. Ang pinagmulan ng mga clip: Ang mga clip ay mula sa Radio Television Malacañang (RTVM). Ang unang clip na ipinakita ay mula sa pagbigay ni Hun Sen ng welcome speech para sa mga pinuno ng mga bansang kabilang sa ASEAN na dumalo sa Interface Meeting ng mga bansang miyembro ng ASEAN kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) noong Nobyembre 10, 2022. Ang welcome speech ni Hun Sen ay nakatuon sa ekonomiya ng ASEAN at walang binanggit na kahit ano sa kanyang welcome speech tungkol sa paghanga kay Marcos. Ang ikalawa at ikatlong clip naman na ipinakita sa video ay mula sa bilateral meeting ni Marcos at ni Vietnamese Prime Minister Minh Chinh noong Nobyembre 10, 2022. Binati ni Minh Chinh si Marcos sa bilateral meeting para sa naitalang 7.6% growth rate ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas. Pagkikita ni Marcos at Sihamoni: Ayon sa Philippine News Agency, si Marcos at Haring Norodom Sihamoni ay nagkita sa isang royal audience noong Nobyembre 10, 2022 bago ang pormal na pagbubukas ng ASEAN Summit. Kasama ni Marcos ang kapwa niya pinuno ng mga bansang kasapi sa ASEAN sa royal audience. Walang balita mula sa naganap na royal audience ang nagsasabing nagpahayag ng paghanga si Sihamoni kay Marcos. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software