About: http://data.cimple.eu/claim-review/c62e84a4c6b3b83dea4e824b62f2041704ad33fc8aba282cc676c53e     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Ipinahayag ni Senador Raffy Tulfo ang pagsang-ayon niya sa revision ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Inday Sara Duterte na buwagin ang K-12 program at magkaroon ng alternatibong dalawang taong military service. Sinabi sa video na pinamagatang “KAKAPASOK LANG HALA KA! SEN RAFFY TULFO UMAKSYON NA K-12 PROGRAM ni PNOY TANG-GAL NA VPSARA PBBM.!”: “Walang pagdadalawang isip na sinang-ayunan ng well-known senator ang naging panukala at revision ni Vice President Inday Sara Duterte-Carpio na siyang nanungkulan din bilang DepEd Secretary na buwagin na ang K-12 program at magkaroon ng panibagong alternatibong two-years of military service para sa mga kabataan na siyang dedepensa sa bayan.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact check: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 59,494 views. Samu’t-saring sabi-sabi hinggil sa umano’y pagbubuwag ng K-12 curriculum ang ipinapakalat simula pa noong Enero 10 matapos ang anunsiyong ibabahagi ng DepEd ang update sa ginagawang review ng K-12 sa Enero 30. Ang katotohanan: Lumang pahayag ni Tulfo na mula sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action ang ginamit sa mapanlinlang na video. Sa kanyang naging pahayag noong Hunyo 2022, walang sinabi si Tulfo na sang-ayon siyang magkaroon na lamang ng alternatibong dalawang taong military service imbes na karagdagang dalawang taon sa senior high. Sa halip, ang ipinahayag ni Tulfo ay ang kanyang pagsang-ayon sa gagawing pagsilip sa K-12 curriculum. Itinanggi ng opisina ni Tulfo: Sa panayam ng Rappler sa opisina ng senador noong Enero 24, itinanggi ang mga sabi-sabi. “There is no direct claim from the senator that K-12 system should be abolished. There is also no statement or call from him to impose two-year mandatory military service,” ang kanilang eksaktong pahayag. Paulit-ulit na pagdadawit: Ani nila, napapansin din ng kanilang opisina ang paulit-ulit na pagdadawit sa pangalan ng senador sa ilang YouTube videos, kung saan ipinapalabas na sinabi niya ang ilang mga pahayag. Karamihan, kung hindi raw lahat, sa mga ito ay hindi talaga sinabi ng senador. Ang mataas na trust rating ng senador ang nakikitang dahilan ng kanyang opisina sa paulit-ulit na pagdawit kay Tulfo. Ani nila, ginagamit ng mga ito ang pangalan ng senador upang makahikayat ng mga tao para sa iilang layunin. Nauna nang na-fact check ng Rappler ang sabi-sabing mayroong revised curriculum ang DepEd hinggil sa K-12 na nagsasabing bubuwagin na raw ito at ipapalit ang military training sa dagdag na dalawang taon ng senior high. Nasa ibaba ang iba pa naming fact check hinggil sa mga sabi-sabing may kinalaman sa K-12: - FACT CHECK: Hindi kinumpirma ni Sara Duterte na bubuwagin ang K-12 - FACT CHECK: Wala pang revised K-12 curriculum; hindi ipapalit sa senior high ang military service - FACT CHECK: Kailangan ng panibagong batas upang mabuwag ang K-12 – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software