About: http://data.cimple.eu/claim-review/cbefb9be745bb8a2a99c84c52950f6246f832d87417868c824824ece     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ipinapakita ng isang retrato ang umano’y mas maliit na bilang ng mga dumalo sa rally ni Bise Presidente Leni Robredo at Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lungsod ng Pasay noong Abril 23, 2022. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang inilakip na retrato ay ang kampanyang ginanap noong Abril 21 sa Cebu, at hindi sa Pasay noong Abril 23. Sa Cebu rally, 150,000 ang tinatayang bilang ng mga dumalo, habang nasa 412,000 naman ang dumalo sa Pasay. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang maisulat ang fact check na ito, umabot na sa 15,000 ang reaksiyon, 2,900 ang komento, at 652 ang nagbahagi ng post na may sabi-sabing ito. Mga detalye Gumawa ng Facebook post ang dating broadcaster na si Jay Sonza gamit ang retrato umano ng campaign rally ng tambalan ni Bise Presidente Leni Robredo at Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lungsod ng Pasay noong Sabado, Abril 23. Ang caption niya sa naturang post: “congratulations/ (sic) to the organizers & the 412k attendees all star cast concert: leni @57 in pasay.” Pinapakita ng larawan ang isang malawak na lote na pinagganapan ng umano’y rally sa nasabing lugar. “[I] don’t want to be fact-checked by either ‘independent’ rappler or vera files that is why I have to write the exact number of attendees according to mainstream media [accounts],” dagdag pa niyang komento sa ilalim ng nasabing post. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ang larawan na inilakip ni Sonza sa kanyang Facebook post ay hindi kuha sa Pasay campaign rally ng tambalang Robredo-Pangilinan. Iyon ay mula sa campaign rally ng tambalan sa North Reclamation Area, Mandaue City, Cebu, noong Abril 21. Tinatayang 150,000 katao ang dumalo sa Cebu campaign rally, ayon sa mga organizer. Samantala, pumalo naman sa 412,000 ang bilang ng mga dumalo sa campaign rally ni Robredo at Pangilinan sa Macapagal Avenue, Pasay City. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software