About: http://data.cimple.eu/claim-review/d0215d420a5fa78b8b8496884e0d016139835be3f092ea21b432c358     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sa yate nakasakay si Vice President Leni Robredo mula Zamboanga City bago ito lumipat sa bangka na dumaong sa Isabela City port ng Basilan para magmukhang makamasa sa pangangampanya. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ayon sa isang post ni Mayor Sitti Djalia Turabin ng Isabela, Basilan, si Robredo ay inihatid ng Navy mula Zamboanga hanggang Fuego-Fuego Resort lamang para sa seguridad ng Bise Presidente at bilang bahagi ng kanilang opisyal na tungkulin. Lumipat ng bangka ang Bise Presidente papuntang Isabela City port, na kasama na sa lugar na kanyang pangangampanyahan. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 16,000 reaksiyon, 50 komento, at 13,000 shares ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Marso 16 ng Facebook user “Yusuf Dominic Garcia Salapuddin” ang nagsasabing sakay ng yate si Bise Presidente Leni Robredo mula Zamboanga bago ito lumipat sa isang bangka na naghatid sa kaniya sa Isabela City port ng Basilan, kung saan siya nangampanya. Nakalagay sa caption ng post ang linyang “Grabe ang drama. Sumakay ng bangka galing Fuego-Fuego (beach resort malapit sa port) pero sa speedboat at yate sila totoong nakasakay.” Sinabi sa caption ng post na sumakay sa bangka si Robredo para magmukhang nakasakay talaga siya rito sa kabuuan ng kaniyang biyahe patungong Isabela, Basilan. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 16,000 reaksiyon, 50 komento, at 13,000 shares ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabi. Ayon sa Facebook post ni Mayor Sitti Djalia Turabin ng Isabela, Basilan, si Robredo ay inihatid ng Navy patungong Fuego-Fuego para sa seguridad nito. Hindi inihatid ng Navy si Robredo hanggang sa Isabela City port ng Basilan dahil ito ay parte ng campaign venue ni Robredo at labas sa kanilang opisyal na tungkulin. Sinabi ni Turabin na ang unang plano ay pasakayin si Robredo sa isang speedboat patungo sa Isabela, ngunit hindi ito pinayagan at ang Navy ang naghatid sa kaniya patungo sa isla. Sinabi rin ni Turabin na kaya bangka ang sinakyan ni Robredo mula Fuego-Fuego ay dahil sa mga sinisimbolo nito para sa isla at sa Bise Presidente. “At dahil simbolo natin ang bangka, kaya nga ginawa nating Sakayan Festival ang festival natin, at dahil tayo ang unang maliit na islang pinuntahan niya ngayong kampanya, at dahil binigyan niya ng 50 bangkas ang ating mga mangingisda sa Lukbuton, naisip natin na salubungin siya ng mga bangka sa Marang Marang at sabayan hanggang Strong Boulevard. Parang fluvial parade ang entrance,” sabi ni Turabin. Makikita rin sa 3:51 timestamp ng bidyo ng Sahaya Basileniyo: Basilan People’s Rally ang isang clip ng paglipat ni Robredo mula sa barko ng Navy papunta sa bangka na kaniyang sinakyan pa-Isabela port. Tinatayang 45,000 katao ang dumalo sa Sahaya Basileniyo: Basilan People’s Rally. Si Robredo ang nag-iisang presidential candidate na nangampanya sa probinsiya sa loob ng 30 taon. Ang dating Senate president na si Jovito Salonga ang unang kandidato sa pagkapresidente na nangampanya sa isla noong 1992. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software