About: http://data.cimple.eu/claim-review/d1dc4aff6881684edca3106750a60c70d94ff252b8cf5f5d32131bc1     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Maharlika ang tunay na pangalan ng Pilipinas. Sinabi sa video na: “Nagrereklamo nga siya dahil po sa pangalang Maharlika. Eh totoo naman pong maharlika ang Pilipinas. Iyan po ang totoong pangalan ng Pilipinas, ang Maharlika. At alam na alam po iyan ng mga Marcos at ng ibang mga tao rin, alam na alam po iyan. Kaya mas maganda po ang Maharlika Investment Fund na pangalan.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 89,000 na view sa YouTube. Ang katotohanan: Sa kasalukuyan at sa mga nagdaang konstitusyon ng bansa, Pilipinas o Philippines sa Ingles ang kinikilalang pangalan ng bansa ng mga Pilipino. Ang konstitusyon ang kataas-taasang batas ng isang bansa. Nakasaad sa Article 1 ng 1989 Malolos Constitution, kauna-unahang konstitusyon ng bansa, na kikilalanin ang estado bilang Republika ng Pilipinas. Sa orihinal na bersiyon ng nasabing konstitusyong nasusulat sa wikang Espanyol, pangunahing wika noong panahon ng pagkakasulat, ay nakasaad na: “La asociación política de todos los filipinos constituye una Nación cuyo estado se denomina República Filipina.” “The political association of all Filipinos constitutes a Nation, whose State shall be named the Philippine Republic,” ang nakasaad sa nasabing artikulo sa wikang Ingles. Sa mga sumunod na mga konstitusyon, sa tawag na Pilipinas o Philippines na kinikilala ang estado: 1935, 1943, 1973, 1986, at 1987. “Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987″ ang titulo ng kasalukuyang charter ng bansa. Ayon sa kasalukuyang konstitusyon, kinakailangan ng batas upang mapalitan ang pangalan ng Pilipinas. Mapapalitan lamang ang pangalan ng bansa kung mararatipikahan ito sa pamamagitan ng national referendum. Ayon sa isang artikulo ng National HIstoric Commission of the Philippines (NHCP) ipinanukala noong 1978 ni dating senador Eddie Ilarde ang Parliamentary Bill No. 195 na naglalayong gawing Maharlika ang pangalan ng bansa. Hindi nagtagumpay ang panukalang ito dahil tinutulan ng marami dahil sa koneksiyon ng salitang maharlika sa umano’y guerrilla unit ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos noong World War II. Hindi napatunayang totoo ang sinasabing Maharlika na hukbo. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software