About: http://data.cimple.eu/claim-review/ff8c0cefff0e818ad7d568a1c092622eea296717bbce69440d72e0f8     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Binati ng reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagkapanalo bilang pangulo ngayong eleksiyon. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang ulat o recording na nagpapatunay na sinabi ni Elizabeth II ito. Noong Mayo 13, nagbigay ng opisyal na pagbati ang gobyerno ng United Kingdom para sa pagkapanalo ni Marcos. Hindi ang reyna ang puno ng pamahalaan. - Bakit kailangang i-fact-check: Mula Mayo 11, kumakalat ang ilang Facebook post na nagsasabi nito. Umani na ng libo-libong reaksiyon ang mga ito. Mga detalye Mula Mayo 11, kumakalat ang ilang post sa Facebook na nagsasabing binati ng reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pinuna nito ang mga mamamayan ng Filipinas. Ang buong pahayag sa mga post ay: “Today, I wear red to express my congratulations to the Philippines’ president-elect Ferdinand Marcos Jr. I know that he is a good leader. Unfortunately, the oligarchs are destroying his name, and the citizens just keep complaining. (Ngayong araw na ito, nagsuot ako ng pula upang ipahayag ang aking pagbati sa president-elect ng Filipinas, si Ferdinand Marcos Jr. Alam kong siya ay isang mabuting pinuno. Sa kasamaang palad, sinisira ng mga oligarko ang kanyang pangalan, at panay reklamo ang mga mamamayan.) Dagdag pa rito: “Therefore, I can say, Philippines doesn’t have the worse governance. It has the worst citizens.” (Kaya’t, ang masasabi ko ay, hindi mas masama ang pamamahala sa Filipinas. Pinakamasama lang ang mga mamamayan nito.) Hindi totoong sinabi ni Elizabeth II ang pahayag na ito. Noong Mayo 13, nagbigay ng opisyal na pagbati ang gobyerno ng United Kingdom para sa pagkapanalo ni Marcos. Nagmula ito sa kanilang foreign secretary o kalihim para sa mga relasyon sa mga ibang bansa na si Liz Truss, at hindi ito nagmula kay Elizabeth II mismo. Sa UK, ang reyna ay hindi puno ng pamahalaan. Ang mga bansang unang nagbigay ng pagbati kay Marcos Jr., kahit hindi pa opisyal ang mga resulta, ay ang Estados Unidos at China noong Mayo 12. Bumati na rin si Prime Minister Fumio Kishida ng Japan. Sina Marcos at Duterte ay kasalukuyang nangunguna, ayon partial unofficial count, batay sa 98.35% ng mga presinto na nakapag-transmit na sa servers ng Commission on Elections. Hindi pa pormal na idinedeklara ang mga nanalo sa eleksiyon dahil kailangang pang opisyal na i-canvass ng National Board of Canvassers ang mga boto. – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software