About: http://data.cimple.eu/claim-review/037f5a2a807fe716ce969ef6c4ebfd9a062e86a20ea713f6d1f836fb     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na makukulong nang 10 taon si Senator Risa Hontiveros dahil sa kasong perjury. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang naging pahayag si Duterte kaugnay sa kasong perjury o panunumpa nang walang katotohanan ni Hontiveros noong pinirmahan niya ang batas na nagdadagdag ng parusa para sa krimen na ito. Wala ring ibinababang desisyon ang opisina ng Ombudsman tungkol sa kaso ni Hontiveros para patawan ito ng 10 taong pagkakakulong. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 1,800 reaksiyon, 367 komento, at 31,337 views ang video sa TikTok. Mga detalye Isang bidyo noong Marso 8 ng YouTube channel “Showbiz Fanaticz” ang nagsabi na kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na makukulong nang 10 taon si Senator Risa Hontiveros dahil sa kasong perjury o panunumpa nang walang katotohanan. Makikita sa pamagat ng bidyo ang linyang “Just in: Pres. Duterte kinumpirmang makukulong ng 10 years si Hontiveros dahil sa kasong perjury!” Sinabi rin sa 1:00 timestamp ng bidyo na malalagay sa alanganin si Hontiveros dahil sa isang executive order ni Duterte na nagpabigat ng mga parusa para sa kasong perjury. Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 1,800 reaksiyon, 367 komento, at 31,337 views ang video sa TikTok. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Walang ibinigay na pahayag si Duterte kaugnay sa kasong perjury na kinakaharap ni Hontiveros nang lagdaan niya noong Nobyembre 2021 ang Republic Act 11594, na nagdagdag ng parusa para sa kasong perjury. Ang nilagdaan ng Pangulo ay isang batas at hindi isang executive order, gaya ng nakasaad sa sabi-sabi. Wala ring ibinababang hatol ang Ombudsman para sa kasong perjury laban kay Hontiveros para patawan ito ng 10 taong pagkakakulong. Sinampahan ni Jaime Vargas, isang empleyado ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, si Hontiveros ng kasong perjury noong Nobyembre 2021 dahil sa panunuhol umano ng senador sa warehouse worker na si Veejay Almira para tumestigo laban sa Pharmally. Napag-alaman ng Senate blue ribbon committee na nakakuha ng P10 bilyong halaga ng kontrata ang kompanyang Pharmally mula sa Department of Health (DOH) mula 2020 hanggang 2021 kahit na ito ay isang maliit at bagong-tayong kompanya pa lamang. Inirekomenda ng Senate blue ribbon committee noong Pebrero 2022 ang pagsasampa ng kasong graft at plunder sa dating economic adviser ni Duterte na si Michael Yang at iba pang mga opisyal ng gobyerno na kaugnay sa pandemic deals ng gobyerno sa Pharmally. May mga na-fact-check na rin ang Rappler na mga kahawig na sabi-sabi tungkol kay Risa Hontiveros, gaya ng sabi-sabi na siya ay hinatulan ng panghabang-buhay na pagkakakulong para sa korupsiyon sa PhilHealth at ang sabi-sabi na kumpirmadong nagnakaw ang senador ng P15 bilyon sa PhilHealth. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software