About: http://data.cimple.eu/claim-review/0864e4d3ee953336fa8c190967a281e12601fc50b6feee1752f7fbbf     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Walang planong solusyon si Bise Presidente Leni Robredo sa problema ng droga sa bansa. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nasabi na ni Robredo noon na plano niyang pagtuunan ng pansin ang rehabilitasyon at prebensiyon para masolusyonan ang problema ng droga. Naglabas din siya ng mga rekomendasyon para maiayos ang paglaban kontra sa ilegal na droga pagkatapos ng kanyang maikling panahon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs. - Bakit kailangang i-fact-check: Ang Facebook post na naglalaman ng ganitong sabi-sabi ay mayroon nang 2,200 na reaksiyon, 2,900 na share, at pitong komento. Mga detalye Sa Facebook post, naglista ang isang Kevin Anore Bones ng kanyang mga rason kung bakit hindi niya iboboto sa pagkapangulo si Leni Robredo. Isa sa mga nakalista: “Against drug war but failed to provide solution on drug problem.” (Ayaw sa drug war, pero walang maibigay na solusyon sa problema ng droga.) Ang post na ito ay mayroon nang 2,300 na reaksiyon, 2,900 na share, at pitong komento. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Binanggit ni Robredo sa isang press conference noong Oktubre 29, 2021, sa Sorsogon na itutuloy niya ang kampanya kontra sa ilegal na droga, ngunit mas pagtutuunan niya ng pansin ang rehabilitasyon at prebensiyon at hindi ang pagpatay sa mga suspek, na siyang marka ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ibinahagi ni Robredo ang kanyang karanasan bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), at sinabing hindi siya naniniwala sa heavy enforcement bilang paraan ng pagsasagawa ng drug war. Nauna nang isinapubliko ni Robredo ang kanyang mga rekomendasyon matapos ang kanyang panahon bilang co-chair ng ICAD. Isa na rito ang pagtatakda sa Dangerous Drugs Board chief bilang chief ng ICAD. Ang Philippine Drug Enforcement Agency ang kasalukuyang namumuno ng ICAD, base sa Executive Order No. 15 ni Pangulong Duterte. Ang mga nasabing rekomendasyon ay binanggit na rin ni Robredo sa mga nakaraang presidential interview, gaya ng sa Jessica Soho Presidential Interviews na inilabas sa YouTube noong Enero 22, 2022, at sa 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda naman noong Enero 26, 2022. Sa one-on-one interview ni Abunda kay Robredo, ibinigay ng Bise Presidente ang mga sumusunod na rekomendasyon: pag-maximize ng ICAD, pagkumpleto ng datos, pag-aayos ng paglalaanan ng budget, pag-alis ng tokhang, at pagtutok sa paghihigpit o pagsakal sa suplay. – Ellen Dee Dego/Rappler.com Si Ellen Dee Dego ay isang Rappler intern. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Basahin ito para sa karagdagang detalye tungkol sa internship program ng Rappler. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software