About: http://data.cimple.eu/claim-review/086e4d0e4af3415ea5bb5af1d861d66f3b8af40ee5e0264bd02a5933     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Nagsitigil na ang mga protesta laban sa pagpapatayo ng Kaliwa Dam dahil napagtanto na ng mga taong tutol dito na ang proyekto ay makabubuti sa mga Pilipino at sa bansa. MARKA: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact check: Ang YouTube channel na naglalaman ng sabi-sabi ay mula kay “Sa Iyong Araw” na mayroon nang mahigit 122,000 subscribers. Ang kanyang video ay nakakuha na ng 19,000 views, 1,100 likes, at 53 comments sa panahong isinulat ang fact-check na ito. Ang sabi sa video: 2:55-3:13: “At kung mapapansin ‘nyo pa nga ‘yung mga taong rally nang rally, at kumokontra sa proyekto na ito noon, ay nagsisitigil na rin dahil maganda pala ang layunin ng dam para sa ating bansa. Ito ay dahil sa kadahilanan na na-realize nila ang proyektong ito ay makakatulong talaga sa kanilang pamilya.” Pagtutol ng pamahalaang lokal ng Infanta, Quezon: Ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam ay itinakda mula Enero 2020 hanggang Disyembre 2025. Maaapektuhan ng dam ang mga bayan sa probinsiya ng Quezon at Rizal. Nitong ika-25 ng Oktubre ay nanindigan ang pamahalaang lokal ng Infanta, Quezon sa pagtutol nito sa konstruksiyon ng Kaliwa Dam. Mismong ang mayor ng nasabing bayan na si Filipina Grace America ang nanawagan ukol sa mga posibleng paraan na makatutulong sa water supply sa Metro Manila nang hindi isinasakripisyo ang isang lugar. Panawagan ng environmental groups: Noong ika-27 ng Setyembre nanawagan ang Save Sierra Madre Network Inc. (SSMNI), kasama ang ilan nilang partner organizations, para ipatigil ang pagpapatayo ng dam sa isang panayam sa TeleRadyo. Iginiit ng convenor ng Stop Kaliwa Dam Project at executive director ng SSMNI na si Conrad Vargas sa kanyang panayam na maging tag-ulan o tag-init man ay malaki ang peligrong idudulot ng Kaliwa Dam sakaling ito ay maitayo. Pansamantalang suspensiyon sa konstruksiyon ng dam: Nitong ika-11 ng Oktubre ay pinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng temporary suspension ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam. Ayon kay DENR Undersecretary Ernesto Adobo Jr., hindi pa rin natatapos ang zoning nito sa mga protektadong lugar kung kaya’t hindi pa maaaring mabigyan ito ng Environment Compliance Certificate. – Stephanie Caesar/Rappler.com Si Stephanie Caesar ay isang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software