About: http://data.cimple.eu/claim-review/0ea2f37c7d913c0cb96e331f8a9d764bc0cb88ef1c91dd8ea07fc503     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: May sertipiko ng deposito ng gold bullion ang yumaong diktator na si Ferdinand Marcos sa Banco De Oro Unibank. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang sertipiko ay hindi totoo dahil ang gamit nitong logo ng Banco De Oro ay ginamit lamang ng kompanya noong 1996 nang maging universal bank ito. Iyon ay pitong taon pagkamatay si Ferdinand Marcos noong Setyembre 28, 1989. - Bakit kailangang i-fact-check: Ipinadala sa #FactsFirstPh Facebook group ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Mga detalye Isang sertipiko ang nagpapakita ng gold bullion deposit ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Banco De Oro (BDO) Unibank. Sa isang papel na may nakasulat na “Certificate of Gold Bullion Deposits,” sinasabing nagdeposito si Marcos ng 47,150 metriko toneladang ginto na ginawang “cover clause” para sa perang nagkakahalaga ng $943 trilyon noong Enero 1983. Makikita sa itaas ng sertipiko ang logo ng Banco De Oro Unibank at ang lagda nina Marcos at chief executive officer ng BDO na si Roberto R. Lapid. Ipinadala sa #FactsFirstPH Facebook group ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Hindi ito totoo. Ayon sa website ng Banco De Oro, naging universal bank lamang ito noong 1996, pitong taon pagkamatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989. Sinimulang gamitin ng BDO ang logo na kasama ang salitang “Unibank” nang maging universal bank ito, kaya naman imposibleng ang isang sertipiko na nilagdaan noong buhay pa si Marcos ay mayroon ng nasabing logo. Nasa website ng BDO ang isang milestone graph kung saan makikitang nakuha nito ang “U/KB license” noong 1996. Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, ang U license ay nangangahulugang ang isang banko ay may klasipikasyon na universal bank habang ang KB license naman ay may klasipikasyon na commercial license. May mga fact check na rin ang Rappler sa iba pang mga sabi-sabi kaugnay ng mga ginto umano ni Marcos: - FALSE: Marcos family owns ‘$2 quadrillion’ worth of gold - FALSE: Ferdinand Marcos inherits Jose Rizal’s gold in Vatican Bank - FALSE: AP YouTube video shows Marcos ordering banks to release his gold wealth – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software