About: http://data.cimple.eu/claim-review/139c96b043ddc4f15ccc265d14a3289b367743a3411c4305ef8f5ea0     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Katulad ng ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ng Marcos administration ang bill na inihain ni dating senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV na nagsusulong ng pagtatatag ng sovereign wealth fund ng Pilipinas noong 2016. Sinabi sa video: “Marami ang tumutol nang mag-file ng bill sina [Speaker Martin] Romualdez at Congressman Sandro Marcos ng tinatawag na Maharlika Investments Fund, lalong lalo na ang mga dilawan, kakampink, at makakaliwang grupo, ngunit hindi naman sila nag-ingay noong gumawa ng bill si Bam Aquino noon na kung tawagin ay Philippine Investment Fund Corporation Act noong 2016.” Marka: KULANG SA KONTEKSTO Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 20,000 views. Ang katotohanan: Magkatulad ang layunin ng dalawang panukalang batas na magtatatag ng sovereign wealth fund, ngunit magkaiba ang ipinapanukala nilang pagkukunan ng pondo para rito. Sa Senate Bill No. 1212 o Philippine Investment Fund Corporation (PIFC) Act ni Aquino, ang panggagalingan ng P200 bilyong pondo ay ang national budget, sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA). Samantala, sa orihinal na bersiyon ng House Bill No. 6398 o Maharlika Investments Fund (MIF) Act nina Romualdez at Marcos, kukunin ang P275 bilyong kapital sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at sa national budget. Matapos tutulan ng iba’t ibang sektor ang Maharlika fund, inanunsiyo ng co-author ng bill na si Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo nitong Disyembre 7 na aamyendahan na ang panukalang batas, at hindi na kukunan ng pondo ang GSIS at SSS. Kukunin na lamang ito sa lending institutions at sa kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software