About: http://data.cimple.eu/claim-review/18bbc05c1b606cf1420ca2baf9cf01054507a125bb5a5be12e2a704f     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinamantala ni Ninoy Aquino ang paglala ng kalusugan ni dating pangulong Ferdinand Marcos upang manguna sa politika. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang naibigay ng The Baguio Chronicle para sa fact check na ito. - Ang katotohanan: Ang mga “trump card” o alas na tinutukoy ni Aquino sa pag-uusap nila ni Steve Psinakis ay ang mga planong pangkumbinsi ni Aquino upang tratuhin siya nang maayos ni pangulong Ferdinand Marcos pagbalik niya (Aquino) sa Pilipinas. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot sa mahigit 2,500 na reaksiyon, 326 na komento, at 156,000 na views ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Hunyo 8 ng Facebook page na “I am Shanwein” ang nagpapakita ng isang video na naglalaman ng recording umano ng pag-uusap ni Ninoy Aquino at Steve Psinakis tungkol sa paggamit ni Aquino ng mga alas upang pagsamantalahan ang lumalalang kalusugan ni Marcos at manguna siya (Aquino) politika. Hindi ito totoo. Hindi buo ang recording na ipinakita sa video. Sa buong recording ng pag-uusap ni Aquino at Psinaki, maririnig na ang tinutukoy ni Aquino na mga “trump card” o alas ay ang mga pangkumbinsi niya kay Marcos upang tratuhin nito nang maayos si Aquino pagbalik sa Pilipinas. Ang sinasabing mga alas ni Aquino sa recording ay ang mga sumusunod: - Patuloy na pagbibigay ni Japanese prime minister Yasuhiro Nakasone ng tulong sa Pilipinas. - Patuloy na pakikipagnegosasyon ni Nur Misuari sa gobyerno kapag si Aquino ang tatayong negotiator. Nais ni Aquino na makipagdiyalogo kay Marcos pagbalik niya sa Pilipinas para sa isang payapang eleksiyon, ngunit siya ay binaril sa tarmac pagkalapag ng kanyang eroplano sa bansa noong Agosto 21, 1983. – Lorenz Pasion/Rappler.com kasama ang Baguio Chronicle Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software