About: http://data.cimple.eu/claim-review/18f2ca7dc149fd4d879a256c8659594b9e8e1e47a071a4e1927cd3d5     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: May mga sasakyan ang Commission on Elections (Comelec) na may sticker ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte o tinatawag na UniTeam. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Matapos suriin ang mga kumakalat na retrato, pinabulaanan ng dalawang opisyal ng Comelec ang sabi-sabing ito. Pinagbabawalan din ang mga ahensiya ng gobyerno na magpakita ng suporta para sa kahit sinong kandidato. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, ang isang post sa Facebook ay mayroon nang 27,000 na reaksiyon, 9,800 na komento, at 6,600 na share. Mga detalye Noong Mayo 5, nagsimulang kumalat sa Facebook ang retrato ng umano’y sasakyan ng Commission on Elections (Comelec) na may sticker ng kampanya ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte o tinatawag na UniTeam. Ang caption ng post: “COMELEC with a Unithieves Symbol (COMELEC na may simbolo ng Unithieves).” Kumakalat din ang ilang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook at Twitter. Mayroon ding nagpadala sa Rappler ng screenshot ng isang post sa isang pribadong Facebook group na nagpapakita naman ng umano’y truck na naghahatid ng mga balota at may Uniteam sticker din. Nang isulat ang fact check na ito, ang naunang post sa Facebook ay mayroon nang 27,000 na reaksiyon, 9,800 na komento, at 6,600 na share. Hindi ito totoo. Nitong Biyernes, Mayo 6, naglabas ng pahayag sa Twitter si James Jimenez, direktor ng Comelec Education and Information Department. Ayon kay Jimenez: “On verification, this is not a COMELEC vehicle and the registered owner is not a COMELEC employee. The matter has been referred to the relevant authorities for appropriate action.” (Napatunayan namin na hindi ito sasakyan ng Comelec at ang rehistradong nagmamay-ari ay hindi kawani ng Comelec. Ipinasa na ito sa mga karapat-dapat na awtoridad para sa nararapat na aksiyon.) Duda naman si Commissioner George Garcia sa truck na umano’y nagde-deliver ng balota. Sinabi niya sa Rappler na SOP ng Comelec sa mga kinontratang forwarders na mayroong self-locking plastic seal sa likod ang mga ito. Walang ganito sa truck sa retrato. Ayon sa Administrative Code ng 1987, hindi rin maaaring magpakita ng suporta para sa kahit sinong kandidato ang mga ahensiya at kawani ng pamahalaan. Ayon naman sa Artikulo XXII ng Omnibus Election Code, pinagbabawalan na maging bahagi ng pagpapakita ng suporta sa pulitika ang mga sasakyan o kagamitan na pagmamay-ari ng gobyerno at ang mga ahensiya. Ito ay maituturing na “election offense” o paglabag sa mga batas kaugnay ng eleksiyon. Maaaring basahin dito ang iba pang fact check na nagawa ng Rappler tungkol sa eleksiyon. – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software