About: http://data.cimple.eu/claim-review/1bc9d72e6acf03783bda5105a9bcb50dbf3260aceb2f92999f7ae1ab     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Kinanta sa isang BTS concert ang “Bagong Pilipinas, bagong mukha,” na temang pangampanya ng UniTeam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte. - Marka: MANIPULADONG VIDEO - Ang katotohanan: Wala sa audio ng orihinal na bidyo clip ng TikTok user na si @katysview ang pagkanta ng rapper na si Andrew E. ng UniTeam chant. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 70,000 reaksiyon, 12,000 komento, at 1,900,000 views ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Marso 20 ng Facebook user “ペシト ショーンポール” ang nagpapakita ng isang bidyo ng pagkanta ng UniTeam chant na “Bagong Pilipinas, bagong mukha” sa isang concert ng K-pop group na BTS. Maririnig sa kabuuan ng bidyo ang chant habang ipinapakita ang concert ng BTS. Makikita rin na nakapatong sa bidyo ang linyang “wala na may nanalo na.” Bagamat nakalagay sa caption ng post ang linyang “kayo na ang bahala kung maniniwala kayo dito” at “wag niyo seryosohin mga BBM supporters,” marami pa ring naniwala, base sa mga komento sa bidyo. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 70,000 reaksiyon, 12,000 komento, at 1,900,000 views ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabi. Ang orihinal na bidyo ay isang TikTok post ng user na si “katysview” na nagpapakita ng BTS concert. Wala sa bidyo ang audio na “Bagong Pilipinas, bagong mukha” chant na ginawa ng rapper na si Andrew E. para sa UniTeam tandem ng presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte. Ang partikular na recording ng chant na ginamit sa manipuladong bidyo ay mula sa TikTok user “@marcosesiscomming” na ginagamit ng mga TikTok users na sumusuporta sa UniTeam tandem. Nang isulat ang fact check, ang audio recording ng chant ay ginamit na sa 57,900 na mga TikTok video. Si Andrew E. ay isa sa celebrities na nagtanghal sa campaign rallies ng UniTeam tandem. Ang K-pop group na BTS ay isa sa mga pinakatanyag na boy group sa mundo na itinanghal bilang IFPI Global Recording Artist of the Year sa dalawang magkasunod na taon. Ang grupo ay kilala sa singles nila na “Butter,” “Permission to Dance,” and “My Universe,” na pawang nanguna sa US Billboard Hot 100 chart. Ang sabi-sabi na kinanta ang UniTeam chant sa isang BTS concert ay pinost noong Marso 20 kung kailan naganap ang Pasiglaban rally ng kalaban ni Marcos sa pagkapangulo na si Bise Presidente Leni Robredo. Nirepost ng Hollywood singer na si Ariana Grande ang isang clip mula sa rally ni Robredo kung saan sabay-sabay na kinanta ng mahigit 100,000 tagasuporta ni Robredo sa awit niyang “Break Free.” – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software