About: http://data.cimple.eu/claim-review/1c7d21fa43b1098b2da7d5c80eb25f4d57440375ea81920c2c6e3889     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Walang scam na nangyari sa coco levy trust fund noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos, at hindi sinamantala ng mga crony niya ang mga buwis na ibinayad ng mga magsasaka para rito. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Marami nang nadesisyunang kaso sa Korte Suprema at Sandiganbayan na nagpapatunay na ang mga buwis na ibinayad ng mga magasasaka para sa coco levy trust fund ay ninakaw ng mga crony ni Marcos. Marami na ring nabawi na nakaw na yaman ng mga Marcos ang Presidential Commission on Good Government na ibinalik sa mga magsasaka ng niyog. - Bakit kailangan i-fact-check: Sinabi ito ni Gobernador Danilo Suarez ng Quezon sa rally nina kandidato sa pagkapangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Mayor Sara Duterte, na ginanap sa Tiaong, Quezon noong Marso 23, 2022. Mga detalye Noong Marso 23, 2022, naganap ang rally ng Uniteam nina kandidato sa pagkapangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang kandidato para sa bise presidente na si Mayor Sara Duterte sa Tiaong, Quezon. Sa rally na ito, inendoso ni Gobernador Danilo Suarez si Marcos. Nagbigay ng pahayag si Suarez tungkol sa coco levy trust fund scam na naganap noong panahon ng diktadura ni dating pangulong Ferdinand Marcos, ang ama ni Bongbong. Ang buong pahayag ni Suarez ay: “There was no scam that happened. Alam ’nyo, mga kasama, maling-mali talaga ’yung sinasabi natin na (you know, dear friends, it’s really wrong what they say that) the coco levy was taken advantage by the crony of Marcos. Mali, eh. Those were all accusations that came out during the, after the EDSA revolution. Those are all wrong. For coco levy, the money was never stolen.” (Walang nangyaring scam. Alam ’nyo, mga kasama, maling-mali talaga ’yung sinasabi natin na pinagsamantalahan ang coco levy ng mga crony ni Marcos. Mali, eh. ’Yan ay mga akusasyon na lumabas pagkatapos ng EDSA Revolution. Mali lahat iyon. Walang ninakaw na pera mula sa coco levy.) Hindi totoo ang pahayag na ito. Marami nang nadesisyunang kaso sa Korte Suprema at Sandiganbayan na nagpapatunay na ang mga buwis na ibinayad ng mga magasasaka noong diktadura ni Marcos ay ninakaw at ginamit ng kanyang mga crony upang payamanin ang sarili at ang kanilang mga negosyo. Isa sa mga pinakamahalagang kasong ito ay ang G.R. Nos. 177857-58 mula 2012, kung saan idineklara ng Korte Suprema na ang 33 milyon na shares ng Marcos crony na si Eduardo “Danding” Cojuangco sa San Miguel ay binili gamit ang coco levy fund, kaya dapat ibalik sa gobyerno at gamitin ng mga magsasakang nabiktima nito. Mula 1971 hanggang 1983, umabot sa P9.7 bilyon ang kinolektang buwis sa mga magsasaka mula Quezon hanggang Bicol. Pinangakuan sila ng gobyerno na makakatanggap din ng mga benepisyo mula sa mga bayad na ito. (BASAHIN: The politics of the coco levy scam: From Marcos to Noynoy Aquino) Sa imbestigasyon ng Rappler noong 2017, makikita ang mga litrato ng sertipikasyon na nagpapatunay sa mga ibinawas na buwis at mga share ng kompanya na ipinangako ng gobyerno sa mga magsasaka. (BASAHIN: Coco levy fund scam: Gold for the corrupt, crumbs for farmers) Noong 2021, ipinahayag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa budget hearing sa Kamara ng mga Representante na P76 bilyon mula sa binawing nakaw na yaman ng mga Marcos ay ibinigay sa mga magsasaka sa ilalim ng coco levy trust fund. (BASAHIN: HINDI TOTOO: Walang nabawi ang Pilipinas mula sa nakaw na yaman ng mga Marcos) Marami nang naisulat na fact check ang Rappler tungkol sa mga Marcos: - FALSE: Marcoses were not convicted of any charges - FALSE: Marcos Jr. was 2001 Milo Little Olympics taekwondo champion - HINDI TOTOO: Nagmamay-ari ng ‘milyong tonelada ng ginto’ ang pamilyang Marcos - KULANG SA KONTEKSTO: Sequestered assets ng mga Marcos hindi pruweba ng pagnanakaw - HINDI TOTOO: Walang nabawi ang Pilipinas mula sa nakaw na yaman ng mga Marcos - HINDI TOTOO: Dahil binubuwisan, hindi nakaw ang yaman ng mga Marcos – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software