schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Buod
- Ang sabi-sabi: Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na may sorpresa siya kasama ng Communist Party of the Philippines (CPP), National People’s Army (NPA), at National Democratic Front (NDF) o ang CPP-NPA-NDF sa inagurasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo sa Hunyo 30, 2022.
- Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng InterAksyon sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito.
- Ang katotohanan: Walang relasyon kay Bise Presidente Leni Robredo o ang kanyang organisasyon na Angat Buhay, ang Twitter account na pinagmulan ng kasinungalingang ito.
- Bakit kailangang i-fact-check: Ang sabi-sabi ay pinapakalat ng isang Twitter account na nagpapanggap na opisyal na Twitter account ng Angat Buhay NGO.
Mga detalye
Mula Hunyo 21, kumakalat ang isang tweet ng @NewGovABF, isang Twitter account na nagpapanggap bilang ang opisyal na account ng Angat Buhay NGO, ang organisasyon na naunang inanunsiyo ni Bise Presidente Leni Robredo ngunit ilulunsad pa lamang sa Hulyo 1, 2022.
Hindi totoo ang sabi-sabing ito.
Walang relasyon ang Twitter account na pinagmulan ng kasinungalingang ito kay Robredo, sa opisina ng Bise Presidente, o ang kanyang organisasyon na Angat Buhay.
Wala ring opisyal na ulat, recording, o dokumento na nagbigay ng kahit anumang pahayag kagaya nito si Robredo.
Hindi pa ring nagbigay ng kahit anumang pahayag si Robredo tungkol sa inagurasyon ni Marcos.
Ilang beses nang pinagbintangan si Robredo na may koneksiyon sa mga komunista, at na fact-check na ng Rappler ang ilang sabi-sabing ganito:
- HINDI TOTOO: Plano ng Angat Buhay NGO na patalsikin ang administrasyong Marcos
- HINDI TOTOO: Tagapayo nina Leni Robredo at Barry Gutierrez si Joma Sison
- HINDI TOTOO: Sinabi ni Robredo na pababalikin niya sa Pilipinas si Joma Sison
- HINDI TOTOO: Text blast tungkol sa suporta ni Joma Sison sa kandidatura ni Robredo
- HINDI TOTOO: May naunang asawa si Robredo na miyembro ng NPA
- FALSE: Robredo is a member of CPP-NPA-NDF
– Sofia Guanzon/Rappler.com kasama ng InterAksyon
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|