About: http://data.cimple.eu/claim-review/2338160f7f8ca88107a36cfd6b30076847dbcc7847a10c4663dff949     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Sabi-sabi: Hindi raw ibinalita ng media ang pagpapatayo ng high-rise na pabahay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi sa video: “Nagpapatayo na ngayon ang gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos ng mga high-rise building. High-rise building para ipamigay sa mga kababayan natin na walang bahay, para may matirahan ang ating mga kababayan. Para hindi na sila pagala-gala sa kalsada. Nakakadismaya talaga iyang ginawa na iyan ni Pangulong Bongbong kasi napakaganda po ng balita po na iyan pero hindi ibinabalita nino man.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang vlogger sa likod nito ay pang-ilang ulit nang naglabas ng video na nagsasabing hindi ibinabalita ng media ang ilang proyekto ng gobyerno kahit na wala itong katotohanan. Ang katotohanan: Sinabi ni Pangulong Marcos sa turnover ng mga pabahay sa Naic, Cavite noong ika-5 ng Disyembre na ipinaplano at pinag-aaralan pa ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga mid-rise at high-rise na mga pabahay upang matugunan ang 6.5 milyong kakulangan sa tirahan ng mga Pilipino sa kabila ng limitadong espasyo. “Kung maaalala ninyo ‘yung project na BLISS, diyan nag-umpisa ang mid-rise na ilang five story, six story na building…. Ngunit ngayon dahil mahirap na, baka siguro pataasin natin. Baka puwede na natin hanggang high-rise na. Ngunit pinag-aaralan natin ‘to. Siguro case to case ito,” sinabi ng Pangulo. Taliwas sa sinasabi sa sinungaling na video na hindi ito ibinalita, ipinakita at walang pakundangan pa nga nitong ipinakita ang screenshot ng mismong ulat ng 24 Oras ng GMA hinggil sa anunsiyo ng Pangulo hinggil sa high-rise na mga pabahay. Kumuha pa ng screenshot. Ibinalita rin ng TV Patrol ng ABS-CBN ang nasabing anunsiyo. At di lamang sila. Naglabas din ng kanilang mga ulat ang iba’t ibang online na pahayagan kagaya ng Philstar, Inquirer.net, at Manila Bulletin. Di kaya nagbasa? – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software