About: http://data.cimple.eu/claim-review/235b8c3c76b9376b95209c16d65aed7c2bee7c3686d36cb528ec13fc     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Maaaring madiskalipika ang presidential-vice presidential tandem nina Bise Presidente Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan dahil pinopondohan ng mga banyagang institusyon ang kanilang kampanya. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang matibay na ebidensiya sa sabi-sabi. Hindi naikonekta ng mga umano’y ebidensiya ang kampanya nina Robredo at Pangilinan sa mga binanggit na banyagang institusyon. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 5,900 reaksiyon, 2,600 komento, at 3,300 sharesang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Marso 26 ng Facebook page “Uniteam Bataan” ang nagsasabi na maaaring madiskalipika ang presidential-vice presidential tandem nina Bise Presidente Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa darating na eleksiyon dahil sila ay pinopondohan ng mga banyagang kompanya at institusyon. Nakalagay sa caption ng post ang linyang “VP Leni and Sen Pangilinan maaaring ma-diskwalipika matapos ibunyag ng isang Veteran Journalist ang pag pondo ng ilang Entity ng Europe at Estados Unidos sa kanilang kampanya.” Inilagay ng page sa comment section ng post ang dalawang link: isa mula sa website na politics.com, at isa mula sa Manila Times. Sinasabi sa mga link na maaaring madiskalipika ang tandem nina Robredo at Pangilinan dahil pinopondohan ng mga “US and Europe-based pro-democracy entities” ang kampanya nila. Sinabi naman sa link ng Manila Times na isang institusyon ng Estados Unidos – ang National Endowment for Democracy (NED) – ang nagpopondo sa pagtakbo ni Robredo at Pangilinan sa pamamagitan ng pagpondo sa mga organisasyon sa Pilipinas na sumusuporta sa dalawa. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 5,900 reaksiyon, 2,600 komento, at 3,300 shares ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabi. Walang matibay na ebidensiya sa sabi-sabi. Hindi naikonekta ng mga umano’y ebidensiya ang kampanya nina Robredo at Pangilinan sa mga binanggit na banyagang institusyon at sa mga organisasyong binigyan ng grant ng NED. Nakalagay sa website ng NED na hindi ito nagbibigay ng grants sa mga indibiduwal na tao, at tanging mga non-government at civic organizations, association, at independent media lamang ang kanilang binibigyan ng grants na naglalayong palakasin ang mga demokratikong institusyon. Sinabi naman ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez sa isang panayam na mga volunteers na sumusuporta sa Bise Presidente ang kusang gumagastos para sa campaign events. “Ngayon lang ako nakakita na ‘yung mga tao sila mismo ‘yung naglalabas ng pera para makakilos sila at makakampanya [para] kay VP Leni. Sila mismo ‘yung nagpapagawa ng sarili nilang materyales. Kasi nasanay ako sa mga mas centralized campaigns na lahat galing sa central campaign, ibibigay mo sa mga tao saka sila kikilos, saka pa lang sila magdi-distribute. Eto baliktad talaga,” sabi ni Gutierrez. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software