About: http://data.cimple.eu/claim-review/2d2f3bb24ae52588c0c52667d22b1cd8208190bba68cce19c4067ba7     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Binura ng ABS-CBN ang bahagi ng interbiyu kung saan biniro ni Senador Imee Marcos ang host na si Karen Davila. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi binura ng ANC24/7 ang video. Mapapanood pa rin ito sa YouTube channel ng estasyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 5,000 reaksiyon, 685 komento, at 263,153 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang video noong Hunyo 2 ng YouTube Channel “Balitang Ina” ang nagsabing binura ng ABS-CBN ang video clip ng biro ni Senador Imee Marcos sa brodkaster na si Karen Davila sa programang Headstart: One-on-One with PH Senator Imee Marcos. Ang video ay pinamagatang, “ABS-CBN News Channel Inedit Agad At Dinelete Ang Video Clip Kung Saan Napahlya Si Karen Davila!” Sinabi ng lalaki sa 1:29 timestamp ng video: “Ngunit ang kataka-taka ay ang pagkawala ng nasabing video clip sa mismong channel ng ANC. Biglang in-edit out ang portion kung saan napahiya ang host sa kanilang mismong bakuran.” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 5,000 reaksiyon, 685 komento, at 263,153 views ang post sa YouTube. Hindi totoo na binura ng ABS-CBN ang video clip. Mapapanood pa rin ang orihinal at buong interbiyu ng programang Headstart: One-on-One with PH Senator Imee Marcos sa YouTube channel ng ANC24/7. Ang ANC24/7 ay isang subsidiary ng ABS-CBN. Mapapanood na biniro ni Imee Marcos si Karen Davila sa 0:16 timestamp ng interbiyu. Sinabi ng senador na masaya siyang makita na nasa bansa pa rin si Davila. Sinabi rin ng senador na akala niya ay aalis ng bansa ang brodkaster kapag nanalo ang kaniyang kapatid na si Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapangulo. Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing biro ni Marcos kay Davila. Sinasabi sa mga post mula sa iba’t-ibang social media page na napahiya si Davila sa sinabi ni Marcos. Nilinaw ni Davila sa isang post sa kaniyang Facebook page na nagpadala kaagad ng text message si Marcos pagkatapos ng interbiyu para humingi ng paumanhin. “Napikon po ba ako? Hindi po. Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!” sabi ni Davila. Muling ipinost ni Davila ang video clip ng biro sa kaniya ni Marcos sa kaniyang Facebook page noong Hunyo 1. Sinabi ni Davila sa caption ng post na muli niya itong ipinost dahil mayroong mga nagpapakita ng video na hindi kasama ang kaniyang sagot sa sinabi ni Marcos. Sinagot ni Davila and biro ni Senator Marcos ng, “Hoping always for the better of the country.” (Laging umaasang mapapabuti ang bansa.) Sinabi naman sa isang fact check ng Explained PH na walang naging pahayag si Davila sa kaniyang social media accounts tungkol sa pag-alis sa Pilipinas kapag nanalo si Marcos Jr. sa pagkapangulo. Ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle, nag-trend sa social media ang linyang, “‘Pag nanalo si BBM, aalis ako ng Pilipinas” mula Abril 17 hanggang Abril 23, at muli mula Mayo 8 hanggang 14 nang manalo si Marcos. Ang nasabing trend ay ginamit ng mga tagasuporta ng kalaban ni president-elect Marcos Jr. na si Bise Presidente Leni Robredo, katulad ng social media influencer na si Pipay. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software