About: http://data.cimple.eu/claim-review/316dad2f6ae285aa05dfb77700fe97f1767079ae240e217ca7b9e98c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Sapilitang ipadadala sa Ukraine ang mga kalalakihang Ruso na nasa tamang edad para sa giyera. Sinabi sa isang video sa Facebook, “Putin nagpaplano na ideklara ang Martial Law sa Russia. Mga kalalakihang nasa tamang edad para sumabak sa giyera, sapilitang ipapadala sa Ukraine.” Marka: KULANG SA KONTEKSTO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 158,000 na share, 5,900 na reaksiyon, at 261 na share. Ang katotohanan: Tanging ang mga reservist lamang ang maaaring maipadala sa Ukraine. Sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa kanyang deklarasyon noong ika-21 ng Setyembre, tungkol sa partial mobilization kaugnay ng kanilang pagsakop sa Ukraine, na kanilang ipadadala ang kanilang 300,000 reservist sa nasabing bansa. Nilinaw ni Defense Minister Sergei Shoigu na ang mga reservist ay iyong mga nakapagsilbi na, mayroong military registration specialty, at pang-militar na karanasan. Ayon kay Pavel Chekov, isang human rights defender sa Russia, ang mga kababaihang mayroong military registration specialty ay kasama sa mga maaaring maipadala. Umani ng samu’t-saring protesta ang deklarasyon ng mobilisasyon dahil, ani ng mga nagpoprotesta, ang naturang mobilisasyon ay pagpapadala ng libo-libong Ruso sa kanilang kamatayan. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software