About: http://data.cimple.eu/claim-review/3260119d8ae0a556808aa59e4c945e6843f8ef80c628c93ecdeadcdf     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Iimbestigahan ng Kongreso ang blocktime deal ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc. (ZBNI) dahil nilalabag nito ang legislative franchise ng Zoe. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang pahayag o panukala ang Kongreso patungkol sa anumang imbestigasyon sa blocktime deal ng dalawang kompanya sa kabila ng mga suhestiyon nina House Minority Leader Joseph Stephen Paduano at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong 2020. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 3,200 na reaksiyon, 446 komento, at 107,118 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang post noong Hunyo 16 ng YouTube channel “Showbiz Fanaticz” ang nagsasabing iimbestigahan ng Kongreso ang blocktime deal ng ABS-CBN at ng Zoe Broadcasting Network Inc. (ZBNI). Ang video ay pinamagatang “Viral! Matapos Pagmalaki| Vice Ganda Muling Kinarma| Lllegal Team Up Ng Zoe Tv Sa Abs Iimbestigahan!” Ipinakita sa YouTube video ang isang artikulo mula sa Daily Tribune na patunay umanong iimbestigahan na ng Kongreso ang nasabing blocktime deal sa pagitan ng dalawang media company. Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 3,200 na reaksiyon, 446 komento, at 107,118 views ang post sa YouTube. Hindi totoo ang sabi-sabi. Ang ipinakitang artikulo mula sa Daily Tribune ay isang komentaryong nagsasabi kung bakit kailangang imbestigahan ng Kongreso ang blocktime deal ng ABS-CBN at ng ZBNI. Hindi nito sinasabing iimbestigahan na nga ng Kongreso ang nasabing kasunduan. Walang anumang pahayag o panukala mula sa Kongreso patungkol sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa blocktime deal ng dalawang media company sa kabila ng pagkuwestiyon dito nina dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at ni House Minority Leader Joseph Stephen Paduano. Maging ang National Telecommunications Commission (NTC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), na pinakiusapan ni Paduano na magsagawa ng imbestigasyon, ay hindi nagpahayag na gagawin nila ito. Wala ring sinabi ang dalawang ahensiya tungkol sa pag-iimbestiga sa nasabing blocktime deal sa hinaharap. Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), ang blocktiming ay ang pagbili ng airtime mula sa isang network o estasyon. Ang nasabing airtime ay maaaring gamitin upang magpalabas ng mga programa na hindi mula sa network na nagbenta ng airtime. Ang ZOE TV, na pagmamay-ari ng ZBNI, ay pinangalanang A2Z channel ng ZBNI matapos mapagkasunduan ng ABS-CBN at ZBNI ang blocktime agreement upang maipalabas ang kanilang mga programa sa nasabing channel. Ang ZBNI ay broadcast media arm ng Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide, na pinamumunuan ng televangelist na si Eddie Villanueva. Si Villanueva ay isa rin mambabatas at kasalukuyan ay isang Deputy House Speaker ng House of Representatives. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software