About: http://data.cimple.eu/claim-review/36a1c4e84d807707eb6c55abbe39827833d96eb00ca533ca84fb7a37     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Maaaring palitan ng mga guro sa mga pampumblikong paaralan ang resulta ng boto sa mga vote-counting machine (VCM) gamit ang USB at “codes.” Ang mga boto ay papalitan para palabasin na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ang ibinoto. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Itinanggi ito ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia at sinabing walang katotohanan ang sabi-sabing ito dahil walang saksakan ng USB ang mga VCM. - Bakit kailangang i-fact-check: Kumalat ang iilang mga post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook at sa mga pribadong group chat. Mga detalye Mula Mayo 6, kumalat ang ilang mga post sa Facebook at sa mga pribadong group chat na naglalaman ng sabi-sabing maaaring palitan ang boto sa vote-counting machine gamit ang USB o codes. Ang sabi-sabi ay nagmula umano sa isang guro ng pampublikong paaralan na nag-training kung paano gamitin ang mga VCM at bantayan ang pagboto. Nakalagay sa post na ito ang sumusunod na pahayag: “March palang po nagte-training na kaming mga public school teachers para po sa national election. Then nitong april po ay binigyan na kami ng mga assignments and designations po. Sa akin po ang naibigay ay team leader ng buong school ng isang district.” Dagdag pa rito: “Napakalaking responsibilidad po. Tapos may bukod na training po kami. Ang masakit lang po is gusto po nilang mangyari ay ang maging result talaga na lalabas na president ay si BBM.” Ang mismong pinagmulan ng sabi-sabi ay ang pahayag na: “So as team leaders may mga USB and codes po kami na gagamitin para pagdating sa final result ang lalabas ay si BBM-Duterte.” Ayon sa post na ito, maaaring palitan ang resulta ng mga VCM gamit ang mga USB at codes. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Itinanggi ito ni Commissioner George Garcia ng Commission on Elections (Comelec) sa isang pahayag sa Rappler. Sinabi ni Garcia na walang katotohanan ang sabi-sabing ito dahil walang saksakan ng USB ang mga VCM. Ang buong pahayag niya ay: “VCMs cannot be manipulated. There is nothing in the machines that USBs can be inserted [in].” (Hindi maaaring palitan ang mga boto sa mga VCM. Walang saksakan ng USB ang mga VCM.) Nilalagay ng mga botante ang kanilang mga balota sa VCM upang ito’y maproseso. Ang mga resulta ay nakalagay sa loob ng SD card ng mga VCM, hindi sa USB. Ang mga resulta ay pinapadala sa central server, pagkatapos sa transparency server, at sa municipal board of canvassers (MBOC). (BASAHIN: Pandemic elections: Your step-by-step guide to voting on May 9) Maaaring basahin dito ang iba pang fact check na nagawa ng Rappler tungkol sa eleksiyon.– Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software