About: http://data.cimple.eu/claim-review/3745fc591d86a7cd7eec3990c8d3e3372d0c0bd7508d06890c498858     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) ang planong pakikipagsabwatan ng tandem ni Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) para mandaya sa darating na halalan. - Marka: HINDI TOTOO - Katotohanan: Tiniyak ng NBI na “offline” at matibay ang seguridad ng mga server ng Comelec. Itinanggi rin ng Smartmatic na may “data breach” sa kanilang mga server. - Bakit kailangan i-fact-check: Umabot na sa 526,000 views, 32,000 na reaksiyon, at 5,400 komento ang bidyo mula sa isang pahina sa Facebook na may kasaysayan ng pagpapalaganap ng kasinungalingan. Mga detalye Ayon sa nag-viral na bidyo sa Facebook, nadiskubre umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang planong pandaraya nina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan kasabwat ang Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) para matiyak ang pagkapanalo sa darating na halalan. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Walang kahit anong report ang NBI sa umano’y pandaraya ng kampo nina Robredo at Pangilinan. Matatandaan na noong Enero 2022, pumutok ang sabi-sabi na nakompromiso ang Smartmatica, ang panggagalingan ng vote-counting machines. Nilinaw naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na “ang tanging partisipasyon lamang ng provider ay ang pagbibigay nila ng software” at hindi nila binigyan ng mga sensitibong impormasyon ang Smartmatic. Tiniyak ng komisyoner na, “kung sakali mang magkaroon ng insidente ng hacking, nakakasiguro kaming hindi pa rin maaapektuhan ang eleksiyon.” Kinumpirma rin ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na walang sensitibong impormasyong nakuha mula sa napabalitang “hacking” sa Comelec at Smartmatic. Giit niya, offline pa ang sistema ng dalawa kaya imposibleng mapasok ang mga ito. Hindi rin isinasantabi ng NBI na maaaring sinusubukang gayahin ng mga umano’y hacker ang nangyari noong 2016 kung saan inilabas ng grupong “LulzSec Pilipinas” ang mga datos mula sa Comelec website, kagaya ng voter registration data at iba pang kaugnay na impormasyon. Iginiit din noon ng Comelec na magkaiba at mas matibay ang seguridad sa proseso ng pagboto kumpara sa na-hack na website. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software