About: http://data.cimple.eu/claim-review/39c8d448a45007bad80e5ee8e8b5826671d9ce71e13503b5e072b57c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ninakaw ng pamilya ni dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon sa mga Marcos ang pag-aari nilang hacienda. Katiwala lang daw ni Marcos ang tatay niyang si “Romeo Guanzon.” - Marka: HINDI TOTOO - Ang Katotohanan: Ang tatay ni Rowena Guanzon ay si Sixto Guanzon at hindi si “Romeo.” Si Sixto Guanzon ay isang hukom at bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi katiwala sa hacienda. - Bakit kailangang i-fact-check: Maraming Facebook post ang nagkakalat ng kasinungalingang ito at nagsasabing takot si Guanzon maging pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil ang pamilya nito ang tunay na may-ari ng hacienda. Mga detalye Ilang post ang umiikot sa Facebook na nagsasabing ang ama ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner na si Rowena Guanzon na si “Romeo Guanzon” ay “katiwala” lamang umano ni Ferdinand Marcos sa mga “malawak na lupain” sa Negros Occidental. Anila, takot na takot daw ang dating commissioner na makabalik ang mga Marcos sa kapangyarihan dahil “sila (Guanzon) ang tunay na magnanakaw.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Hindi si “Romeo” Guanzon ang ama ng dating Comelec commissioner, kung hindi si Sixto Guanzon, isang kilala at respetableng indibiduwal sa Negros Occidental na naging hukom at bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bukod sa pagtanggap ng United States Congressional Gold Medal para sa kabayanihan nito noong digmaan, nagtapos din si Sixto ng pag-aral noong 1948 sa Silliman University bilang summa cum laude, at naging cum laude naman sa Manuel L. Quezon University School of Law noong 1952. Wala ring rekord na kay Marcos ang lupain ng mga Guanzon. Noong panahon ng Martial Law, pinalayas ni Marcos at ng kanyang mga crony ang mahigit sa 6,000 na pamilya para pagkakitaan ang tinatayang 15,000 hektarya ng lupain sa isla ng Negros. Sa tinaguriang “Sugar Crisis of 1984,” nanawagan ang mga naghihirap at nagugutom na manggagawa’t magtutubo para sa tamang pasahod at lupain na maaari sana nilang sakahin at pagkunan ng pagkain. Marami sa mga taga-Negros ang ikinulong at pinaslang sa ilalim ng diktadura ni Marcos. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software