About: http://data.cimple.eu/claim-review/3a34acc4a809c7abdccaf6ece66ae0a2476fe99392a66b7f1c613bf8     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Mayroong bagong mga perang papel na inilabas kung saan tampok ang tarsier sa P500 at si Jose Rizal sa P150. Kasama sa mga umano’y bagong pera ng Pilipinas ang P100 na barya, P1,000 na may agila, at P5,000 na may mukha ni Lapu-Lapu. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay taong 2022 pa unang inilathala ngunit kumakalat muli sa Facebook. Sa kasalukuyan, mayroong 3,200 na share ang nasabing post. Ang katotohanan: Sa limang tampok na salapi, tanging ang P1,000 na tampok ang agila, P5,000 na tampok si Lapu-Lapu at ang P100 na barya ang tunay na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang P1,000 salapi na may agila ang bagong bersyon ng P1,000 na inilabas noong Abril 2022. Ang P5,000 salaping tampok si Lapu-Lapu ay commemorative bill na inilabas ng BSP noong Enero 2021 bilang selebrasyon sa 500 taong anibersaryo ng pagkapanalo ng puwersa ng nasabing bayani sa labanan sa Mactan. Ang P100 na barya ay commemorative coin naman na inilabas ng BSP noong 100 taong anibersaryo ng Muntinlupa City Hall noong 2017. Itinanggi ng BSP: Mismong ang BSP na ang tumangging mayroong P150 na perang tampok ang mukha ni Rizal at P500 na tampok ang tarsier. Noong 2012, pinabulaanan ng BSP ang umano’y paglabas ng P150 na perang papel. Sinabi rin ng BSP sa Philstar.com noong 2021 na “fake news” ang pagbabago ng disenyo ng P500 kung saan pinalitan umano ang mag-asawang Aquino ng litrato ng tarsier. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software