schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Ang sabi-sabi: Hindi ibinalita ng mainstream media ang naiuwing $22 bilyong investment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa China.
Sinabi sa video na pinamagatang “SEN. IMEE, PINAIYAK SI KAREN AT MEL SA BILYONG INIUWING INVESTMENTS NI PBBM NA DI NILA IBINALITA”: “Kahit hindi man naibalita ng ilang mainstream media, nais ipaalam ng senadora sa sambayanang Pilipino na ang kanilang naiuwi ay lilikha ng mas maraming oportunidad at trabaho na pakikinabangan ng milyon-milyon nating mga kababayan.”
Marka: HINDI TOTOO
Bakit kailangang i-fact-check: Kahit na pawang kasinungalingan ito, pilit na ipinalalabas ng ilang content creators na hindi raw ibinalita ng mainstream media ang ilang kaganapan at proyekto ng administrasyong Marcos.
Ang katotohanan: Ibinalita ng GMA 7, ABS-CBN, at TV5 ang $22 bilyong investment pledges na naiuwi ni Marcos mula sa kanyang pagbisita sa China.
Ibinalita ng TV Patrol, 24 Oras at ng One News PH noong ika-5 ng Enero ang naiuwing bilyong investment pledges ni Marcos.
Inilathala rin ang nasabing balita sa mga news websites gaya ng Rappler, GMA News Online, ABS-CBN News, Manila Bulletin, Inquirer.net, at Philstar.
Pilit ang paglaganap ng mga sabi-sabing hindi raw ibinabalita ng mainstream media ang ilan sa mga kaganapan at proyekto ng administrasyong Marcos, kagaya ng:
- Meeting ni Marcos sa World Bank
- Pulong ni Marcos at ng prime minister ng Saudi Arabia
- Pabahay ng administrasyon
- Huli ng droga ng administrasyon
- Proyekto at pagbisita ni Vice President Sara Duterte
– Ailla Dela Cruz/Rappler.com
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|