About: http://data.cimple.eu/claim-review/3e89aaa7d26dc69bd9e20dd1e8e04f48e299f13a026d741e9380d214     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Namamahagi ng P10,000 ayuda si senator-elect Raffy Tulfo. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na naunang nang ibinigay ng News5 sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Walang opisyal na anunsiyo mula sa kampo ni Tulfo tungkol sa pagbibigay ng ganitong ayuda. Hindi rin opisyal na pahina sa Facebook, at hindi konektado sa politiko, ang nagpaskil ng naturang kasinungalingan. - Bakit kailangang i-fact-check: Ilang daan na ang nalinlang at nag-iwan ng kanilang mga personal na detalye sa mga komento sa Facebook post. Nang isulat ang fact check na ito, 451 na ang nagbigay ng reaksiyon, 312 na ang nagbahagi, at 217 na ang nagkomento sa nasabing kasinungalingan. Mga detalye Isang pahina sa Facebook ang nagkakalat na namamahagi raw ng P10,000 ayuda si senator-elect Raffy Tulfo. Sa retratong kalakip ng paskil nito, makikita ang mukha ni Tulfo, habang mababasa naman ang mga katagang, “Senador Raffy Tulfo 10K Ayuda,” at “Message Kami Ngayon Salamat Sa Inyong Boto.” Inaanyayahan din ng awtor ang mga “nabigyan na” na patuloy pang ibahagi ang naturang paskil sa Facebook. Kasinungalingan ito. Walang opisyal na anunsiyo mula sa kampo ni Tulfo tungkol sa pagbibigay ng ganitong ayuda. Hindi rin opisyal na pahina sa Facebook ang “Bbm 31m Ayudamo,” at hindi rin konektado sa senator-elect ang nagpaskil ng naturang kasinungalingan. Nitong Mayo 2022, binanggit ni Erwin Tulfo – nakababatang kapatid ni Raffy at itinalaga ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – ang posibilidad ng pamimigay ng P12,000 hanggang P14,000 lump-sum na ayuda bilang bahagi ng Pantawid Pamilya Pilipino Program. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama ang News5 Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software